c h a p t e r s i x :

8 3 0
                                    

lxndrzzy: hmm stalker...


Napataas ang kilay ko ng mabasa ang dm nya sakin sa instagram. Nagtype din ako ng reply sa kanya.


lorenndenise: wait whot?


Natawa ako sa sarili kong reply, ilang saglit lang ay nagsend sya ng isang screenshot. Screenshot ng notifications nya sa IG. 


lorenndenise liked your photo. 


lxndrzzy: ayan oh hmm kailan ka pa naging stalker?


lorenndenise: aba ang lakas ng apog mo ha, napindot ko lang tss!


lxndrzzy: wiws 


lorrendenise: totoo nga! Nasa feed ko yan tapos napindot, sinubukan ko pa nga bawiin eh 


lxndrzzy: bat ka nagpapaliwanag? Sinabi ko bang magpaliwanag ka? HAHAHA 


lorenndenise: nvm. Feeling close ka tss!


Huling reply ko na yun sa kanya dahil tinago ko na ulit ang cellphone ko. 


Nakakastress sya!


Nagsimula ng linisin ang kuko ko sa kamay, buti nalang at dinala ko yung airpods ko kaya nakinig nalang muna ako ng music. 


Natapos akong magpamanicure and pedicure around 2:30 kaya dumeretso na ako sa unit pagkatapos. Dumaan din ako sa isang milktea shop dahil nagcecrave ako. 


Pagdating ko sa unit ko ay dumeretso na ako sa closet ko para ihanda ang susuotin ko. Pumasok na ako sa cr at naligo. 


I wear my white crop top shirt and black leather skirt, I also got my black coat as well. I wear my high heels stilettos and applied some light makeup. I got my hair curly. 


Agad akong lumabas ng kwarto at kinuha ang bag ko. Umalis na ako sa condo ko at nagbook ng grab car para ihatid ako sa condo building nila Claire. 


Nakarating ako sa unit ni Claire, hindi naman kalayuan kaya mabilis lang din ang biyahe ko. 


"Buti nakarating ka agd! I miss you so much!", bungad nya sa akin at niyakap ako. 


"Miss you too. Ano ganap naten?", tanong ko. 


"Later, pupunta na tayo sa club nung friend ko, nagreready pa naman ako eh. By the way, nasan na si Hera?", tanong nya sakin. Naglalagay na sya ng make up habang nakabalot naman ng towel ang buhok nya. 


"Sabi nya, may dadaanan pa daw sya kaya nauna na ako. Di ko na rin tinanong kung ano yung gagawin nya, baka family matters or what", nagkibit balikat ako.

Unpleasant SunriseWhere stories live. Discover now