Naglinis ako ng katawan at nagpalit ng pangbahay ng makarating ako sa condo. Medyo boring dahil mag-isa lang ako pero mas prefer ko talaga na mag-isa at tahimik. Binuksan ko lang ang TV at naghanap ng pwedeng lutuin.
Kahit na spoiled ako kay Mommy at nandyan si Bella para pagsilbihan ako, hinayaan ko yung sarili ko na matuto magluto. Buti nalang at may mga stocks pa ako dito. Bihira naman kasi akong magstay ng matagal dito unless may modelling event o kaya naman at free time ko lang.
Nagluto ako ng meatless dumplings dahil yun lang yung madaling lutuan gamit yung mga stocks ko dito sa unit. Kumuha rin ako ng konting rice saka pumunta sa sala para kumain habang nanonood.
Alexander: Hi:) Anong ginagawa mo?
Wao! Bigla-biglang magchachat ha. Ano kayang trip neto?
Di ko pinansin ang message nya at kumain nalang. Agad ko ding niligpit ang pinagkainan ko pagkatapos ko kumain. Hinugasan ko na ang mga ginamit ko at dumeretso sa sala para patayin ang TV. Kinuha ko na din ang cellphone ko at dumeretso sa kwarto.
Binuksan ko ulit ang Messenger ko at nakita ko ulit ang message nya sakin.
Ugh sige na rereplyan ko na!
You: Ahh, wala naman, kakatapos ko lang kumain.
Mabilis niyang nabasa ang reply ko sa kanya.
Alexander: Okayyyy! May ginagawa ka?
Pinagpatuloy ko lang ang pakikipagchat ko sa kanya habang nakahiga ako sa kama ko.
You: Wala naman akong ginagawa, nakahiga lang dito sa kama ko. Bakit?
Alexander: Matutulog ka na? Naaabala ba kita? :(
You: No! Hindi naman. Bored din naman ako kasi mag-isa lang ako dito.
Alexander: Ahh. Nasaan ka ba? Hehe.
You: Oh, wala ako sa Laguna, nandito ako ngayon sa Manila.
Nakatulog na ako ng maisend ko ang reply ko sa kanya, sa sobrang pagod ay nakatulog na.
Nagising ako dahil sa alarm ko. Its already 8:05 am kaya bumangon na ako at pumunta agad sa cr para maghilamos. Buti nalang at dala ko ang cellphone ko kaya narinig ko itong nag-ring.
Hera calling...
"Morning! Napatawag ka?", bungad ko sa kanya.
"Sabay ba tayong pupunta sa club mamaya para sa birthday ni Claire?", tanong nya.
YOU ARE READING
Unpleasant Sunrise
Teen FictionLorenn, a perfect lady, will encounter the biggest lie of her life. A miserable life will open for her, and she will face the truth about herself. Will she be able to know the whole truth alone? Or with a special person who can help her in finding...