Chapter 3

16 1 0
                                    

"Janelle uuwi ka na ba?" sigaw ni Andrew habang nakasandal sa sasakyan niya. Hindi ko na lang siya pinansin. Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Wala kasi ako sa mood ngayon. Naiinis pa rin ako kay Edison.
Dexter Andrew Senerez ang naiisa kong manliligaw. Oh di ba? Kahit hindi naman ako kagandahan pero may nagkakagusto rin sa akin. He is a captain of the basketball team here in university. Magkaklase kaming dalawa mula first year college hanggang ngayon. Dahil nga sikat siya sa campus naging madami rin ang mga haters ko pero mas sikat pa rin si Edison. Gwapo, matalino at mayaman kasi siya. Kaya nga masyado akong maingat pagdating kay Edison. Ayoko ko kasing gumulo yung buhay niya dahil sa akin. Mas gugustuhin ko pa ang mysterious image niya.





"Janelle hatid na kita." anyaya niya. Humabol pa pala siya sa akin.

"Hindi na Andrew kaya ko nang umuwi ng mag-isa."

"Hali ka na kasi. Mahirap magcommute sa ganitong oras. Hayaan mo na kasi akong hihatid ka." hinila niya naman ako papuntang sasakyan niya. Kung titingnan napakaperfect na niyang boyfriend pero hindi talaga matuturuan ang puso. ilang ulit ko na rin sinabi sa kanya na may gusto akong iba pero heto parin siya. Wish ko na lang sana na makahap na siya ng babaeng magmamahal sa kanya ng totoo at sigurado ako na hindi ako yun.
Tahimik lang ako buong byahe namin ng biglang nagvibrate ang phone ko.


"Anak dumiritso ka na lang kina Edison. Doon tayo magdidiner. Magkita na lang tayo don."
Hays kung minamalas ka talaga. Ayoko pa sanang makita si Edison pero no choice kapag hindi ako dumating mag-aalala si Papa pati na rin si Tita Allesa at Tito Emerson, ang mga magulang ni Edison.


"May problema ba Janelle?" nagtatakang tanong Andrew. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng bahay.

"Ah wala naman. Thank you sa paghatid sa akin Andrew."

"No problem Janelle basta ikaw. Lakas ka kaya dito." turo niya sa puso niya

"Andrew naman."

"Okay! Okay! Maghanap na lang ako ng iba dahil may mahal ka ng iba pero hayaan mo akong maging kaibigan ka Janelle." Baliw talaga to. Bumaba naman siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Thank you talaga Andrew mag ingat ka sa pag- uwi."

"Sige na pumasok ka na Janelle"  tumango naman ako sa kanya. Hinintay ko na lang na makalayo siya bago lumakad papuntang bahay nila Edison.

"So don ka pala sa Andrew na yun nagpahatid." napatalon naman ako sa gulat na biglang may nagsalita. Walang iba kundi ang taong ayaw ko pang makita. Nakasandal lang siya sa gate nila.


"Oo bakit ba?" mataray kong tanong.
"Wala!" tapos tinalikuran niya ako. Kita mo to! Ang sarap sapakin. Bakit ko ba siya nagustuhan?

"Oh buksan muh na ang pinto." utos niya sa akin.


"Bakit ako? Wala ka bang kamay ha? tiningnan niya lang ako ng masama. Padabog ko namang binuksan ang pintuan.

"Congratulation mga anak!" sigaw ni Tita Allesa habang hawak ang isang strawberry cake. Nasa likuran naman niya sina Papa, Tito Emerson at ang kambal.

"Anong meron tita?" nagtataka kong tanong.


"You're getting married nak." anak din ang tawag sakin ng mga magulang ni Edison. Dahil na rin siguro magkasabay kaming lumaki na dalawa.

"Ha? I'm getting married? With whom tita?" ano ba tong nangyayari? Pano ako ikakasal eh wala naman akong boyfriend.


"Ofcourse with my one and only Edison Clay." at kumapit pa siya sa braso ng kanyang anak.


Napatingin naman ako kay Edison pero wala naman siyang reaksyon. Parang hindi man lang siya nagulat sa pangyayaring to.

"Ano po bang nangyayari? Hindi ko po naiintindihan." Yes I need an explanation.

"Janelle anak kahit parati kayo nag-aaway at hindi magkasundo ni Edison pero alam namin na nag-aalala kayo sa isat-isa. Gusto lang namin na ee secure ang future niyong dalawa." paliwanag ni tito Emerson.

"Anak kay Edison lang ako may tiwala. Alam ko na aalagaan ka niya at hindi sasaktan." sabi naman ni Papa.

"Ayoko po Papa, malaki na kami ni Edison. Kaya na namin magdesisyon kung ano ang mas makakabuti sa amin. Hindi yung binibigla niyo kami sa kasalang to. Ano ba Edison! Magsalita ka naman huh. Hindi mo ba sila pipigilan?" kahit naman sabihin niyong may gusto ako kay Edison at pabor sakin ang pangyayaring to pero ayaw ko rin naman na matali siya sa akin. Alam ko naman na hindi niya ako gusto.


"Bakit ba ayaw mo akong pakasalan Janelle ha? Dahil ba don sa Andrew na yun? Kanina lang ay gusto mo akong maging boyfriend pero ngayon ayaw mo na akong pakasalan?" inis niyang sabi.



"Bakit nagseselos ka ba sa kanya? Baliw ka ba? Nakalimutan mo yata na kanina lang ayaw mo akong maging girlfriend pero ngayon gusto mo akong pakasalan!" hindi ko na talaga alam ko ano ba talaga ang gusto niya.

"Hindi ko sinabing ayaw kitang maging girlfriend!"

"Ni reject mo ako kaya ganon na rin yun!"



Napahinto naman kami ng marealize namin kung ano-ano ang mga pinagsasabi naming dalawa. Nang nilingon namin ang mga magulang namin ay iba na ang ngiti.
Oh no! Wrong move!
Mukhang tuloy talaga ang kasalan.

Crushing My HusbandWhere stories live. Discover now