Chapter 1

23 2 0
                                    

"Anak, bumaba kana riyan. Nakahanda na ang almusal at baka malate kapa sa final exam mo." sigaw ni Papa mula sa baba.


Ako pala si Janelle Liellanie Arellano, 20 years old, a junior taking up bread and pastry production in St. Crescent University.


"Anak" sigaw ulit ni Papa.


"Opo Papa andyan na po." Siya naman ang Papa Jared ko.


Siya ang nagmamanage ng maliit na restaurant namin. Kung tatanungin niyo kung na saan si mama. My mama had an accident when I was 15 years old. But life must go on. We need to make life better.


Dali-dali naman akong lumabas ng kwarto ko pero hindi paman ako nakakarating ng hapang kainan ay meron dalawang bubwit na nakaabang sa akin. Sa unang tinggin mo kanila talagang mamamangha ka kasi magkamukhang-magkamukha sila. Si Jace Laurenz at Jame Laurenz,  8 years old and they are an identical twins. 


"Ate, kahit kailan talaga ang kupad mo kung gumalaw. Kanina pa kaya kami nagugutom ni Jame." reklamo ni Jace. Wag na kayo magtataka kung pagkain ang laging hanap nito. Matakaw lang talaga siya sa pakain.


"Huwag mo nga ako idamay sa diyan sa gutom mo Jace."


Ganyan talaga silang dalawa. Parati hindi magkasundo pero nagkakampihan kapag nadidihado ang isa.


"Heto na nga mahal na prinsipe, nakababa na po. Hali na kayong dalawa"


"Oh, mga anak umupo na kayo. Janelle don kana umupo sa tabi ni Edison" nabitawan ko naman ang dala kong back pack nang makita ko siya.

Edison Clay Bermejo, he is the person I admire the most and today I decided to confess my feelings to him.
Dahan-dahan naman akong umupo sa tabi niya.



"Bakit ka nandito Edison?" nagtataka kong tanong sa kanya. Nandito ba siya para sa akin? Nagdisisyon din ba siya na sabihin sa akin ang nararamdaman niya?



Oh em! I'm not prepared. Pero choks lng ready na ako. Go Edison tell the whole world how much you like me. Haha



"Stop imagining things Janelle." seryoso niyang sabi. Kita mo to! Panira talaga ng moment.



"Wala kaya akong iniimagine" pagsisinungaling ko. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa pagkain na nasa plato ko.



"Ate, halata naman na crush mo si Kuya Edison. Umamin kna kasi." singgit ni Jace. Mapang-asar talaga tong bubwit na to. Pasimple ko siyang sinamaan ng tinggin. Baka kasi anong isipin nitong gwapong nilalang na nasa tabi ko.




"Advice lang ate, before ka umamin. Magpaganda ka muna ha." sabi naman ng isa pang bubwit. Mabibigwasan ko talaga tong dalawang to. Nakalimutan yata nilang ate nila ako.



"Tigilan niyo nga ang ate niyo"

Yes Papa that's right. Ipagtanggol mo ako.



"At ikaw naman Janelle, itali mo nga yang buhok mo. Nagmumukha kang manang."





Akala ko savior ko na si Papa, nakikisali din naman. Huhu! Nakakahiya na to. Humagikgik naman ang dalawang bubwit na nasa harapan ko. Ibinaling ko naman ang tinggin ko kay Edison na ngayon ay nakikitawa din sa kanila. Oh no! So embarassing. Lord kunin mo na ako please. HUHU!





--"Edison! Nakikinig kaba? Ayokong mamatay. Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend!" sigaw ko sa kanya. Muntik naman akong mauntog ng bigla siyang magpreno. Sira ulong to! Kung wala siguro akong seatbeat, baka lumabas na ako ng windsheld ng kotse niya.


"Anong sabi mo?" tanong niya.



"Gusto ko pang magkaboyfriend kaya pakidahan-dahannaman sa pagmamaneho sir!" sarkastiko kong sabi at tumawa naman siya. May nanakakatawa ba sa sinabi ko?



"You're not allowed to have a boyfriend Janelle" natatawa niyang sabi.

"At bakit naman hindi pwedi ha? Magseselos ka no?" tukso ko sa kanya habang unti-unti kong inilalapit ang mukha ko sa kanya.


"You wish Janelle." inilayo niya naman ang mukha ko gamit ang hintuturo niya.



"Hindi ka pwedi magkaboyfriend kasi walang papatol sayo. Yes, you're pretty but you're not sexy." inexamine niya naman ako mula ulo hanggang paa gamit ang mapangnukso niyang tinggin. Napayakap na lamang ako sa sarili ko. Parang sinabi niya narin na hindi niya ako papatulan. Ouch! Kaiinis.




"Ewan ko sayo Edison."ibinaling ko na lang ang tinggin ko sa ibang direksyon.




Akala niya madodown ako sa sinabi niya. Hindi parin ako mapipigilan. Sasabihin ko parin ang nararamdaman ko para sa kanya.




"Don mo na lang ako sa kanto bago ang school natin ibaba" sabi ko naman sa kanya.




"Bakit don pa, eh ang layo pa ng lalakarin mo. Doon ka na lang bumaba sa parking lot ng school."



"Sabi ko nga di ba ayoko pang mamatay. Pag don ako bumaba baka makita pa tayo ng fans club mo. Katayin pa ako ng buhay. I believe nga precaution is better than cure." pinitik niya naman ang noo ko. Kita mo to! Gusto niya talaga akong masaktan.


"Sira ka talaga Janelle kahit kailan. Ikaw ang bahala basta mag-ingat ka."

Crushing My HusbandWhere stories live. Discover now