Chapter 4

14 1 0
                                    

"Unnie, nakikinig ka ba?" untag sa akin ni Madie. Naglulunch kasi kami ngayon dito sa cafeteria ng school pero wala naman akong ganang kumain.


Amber Madison Jacintos ang nag iisa kong bestfriend. Simula elementary pa lamang kami ay magkakilala na kami. I'm very blessed because she became my bestfriend. Yung handa siya parati na damayan ako at suportahan ako sa mga kalukuhan ko.

"Ah okay lang ako Unnie may iniisip lang." ilang araw na rin kasi simula nang malaman ko na ikakasal ako kay Edison. Ilang araw na rin akong umiiwas sa kanya. Ewan ko ba sa sarili ko basta ang alam ko lang ngayon ay hindi pa ako handang kausapin siya.


"Kanina kapa dyan tulala Unnie. Hindi mo nga nagalaw yang pagkain mo. Ano ba talaga ang problema mo ha?" nag-alala niyang tanong.
I sighed.

Kailangan ko talagang sabihin ka kanya kasi alam ko naman na hindi niya ako titigilan hanggat hindi niya nalalaman kung ano ang nangyayari sa akin.

"Okay sasabihin ko na pero wag kang mainggay."

"Promise!" itinaas niya pa ang right hand niya at nag promise sign.

"I'm getting married Unnie." bulong ko sa kanya.

"What?" gulat niyang sigaw.

"Ano ba sabi ngang wag mainggay eh"

"Sorry naman Unnie nakakagulat kasi. Bakit ka ba ikakasal? Buntis ka ba?" napahawak naman siya sa noo niya nang batukan ko siya.

"Pano ako mabubuntis ha? Wala nga akong boyfriend." naiinis kong sabi.
"Kanino ka ba ikakasal Unnie? Baka sa old rich grandpa yan ha. Wag naman sana." napaface palm na laman ako. Kung saan-saan talaga napapadpad ang imagination nitong babaeng to.




"Ano ka ba Madie hindi ako ikakasal sa old rich grandpa. Ikakasal ako kay Edison!" mahina kong sabi sa kanya.

"Ano? Akala ko ba binusted ka niya?" sigaw niya naman.



Kahit kailan talaga ang bunganga nitong kaibigan ko. Sarap lagyan ng scatch tape. "Hindi ka ba talaga titigil sa kakasigaw dyan Madison? Sasakalin talaga kita!" banta ko sa kanya.



"Sorry na po? I'm so shocked lang kasi. Ano ba kasi ang nangyari?"



"Ewan! Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala. Ang alam ko lang ay ito yung gusto ng mga magulang namin. Sila ang nagplano ng lahat ng to."




"My gosh Unnie! Siguro destiny talaga kayo ni Edison. Tadhana na talaga ang gumawa ng paraan upang magkatuluyan kayong dalawa. Congratulation Unnie. I'm so happy for you." yumakap naman siya sa akin.


"Masaya sana kung may gusto din siya sa akin pero mukhang malabo." malungkot kong sabi.

"Ano ka ba naman Unnie. wag ka ngang mawalan ng pag-aasa dyan. Umayaw ba siya na pakasalan ka?"
umiling-iling naman ako sa kanya.

"Kitams! Kung ayaw niya sayo hindi siya mag aagree sa wedding niyo kaya tigilan mo na ang kamumukmok dyan."

"Ewan ko ba Unnie natatakot talaga ko."




"Unnie tingnan mo! Papasok sila Edison at may umaligid sa kanyang linta." napatingin naman ako sa direksyong itinuro niya. Ang lintang itinuturo niya ay si Elaine Grace Salveron. Chemistry major din siya kagaya ni Edison. Sobrang ganda niya at mahinhin pa. Ano ba naman ang laban ko sa kanya.




"Unnie, halika! Ee save mo ang prince charming mo sa mapapinsalang linta." tumayo naman siya at akmang hihilahin ako pero agad ko naman siyang napigilan.



"Tumigil ka nga dyan Unnie. Bumalik ka sa upuan ko at tapusin mo na yang kinakain mo para makaalis na tayo dito."

Hindi ko makakaila na nasasaktan ako kapag nakikita kong may kasama siyang iba. Ano ba ang magagawa ko? Hindi ko naman siya pagmamay-ari.
"Hello ladies can we set here."
napatingin naman kami ni Madie sa dalawang lalaki na may hawak na tray. Sina Andrew at Aries lang pala.
Joshua Aries Tiongson, kateam ni Andrew at boyfriend ni Madie.




Umupo naman sa tabi ni Madie si Aries at umakbay pa ito samantala umupo naman sa tabi ko si Andrew.



Nafefeel ko talaga na single ako kapag kasama ko ang dalawang lovebirds na to. Sobrang sweet kasi nila sa isat-isa.




"Oh Janelle tikman mo tong watermelon. Binili ko to para sayo" si Andrew. Akmang isusubo na niya sa akin nang dumaan sina Edison.
Nakasalubong ang mga mata namin pero ang sama ng tinggin niya sa akin. Para bang may nagawa ako na hindi niya nagustuhan. Ano bang nangyayari sa kanya?

Crushing My HusbandWhere stories live. Discover now