Mga tulang laan sayo
Mula sa aking kwaderno
Hinugot ko ang lahat ng salitang sayo ay teterno,
Na kung saan inilalahad ko kung ano ang meron tayo,
Na kung saan mamumulaklak ang mga salita sa bakuran ng isip ko.Ihahambing sa buwan,
Kung saan liwanag ka ng aking kadiliman.
Ihahambing sa rosas,
Kung saan may mga tinik ngunit patuloy pa din ang pamumukadkad.
Ganyan ang mga bagay na hatid mo sa akin.Kung dati'y sapat na ang sarili ko, pamilya ko at mga kaibigan ko.
Ngayon, binigyan mo pa nang puwang ang aking puso.
Mas binigyang kulay ang aking mundo.
Nagtayo ka ng mga hardin na tanging ako lang ang mananatili rito.Malayang pagmamasdan ang mga namumulaklak na nararamdaman.
Na tanging ikaw lang ang may epekto sakin niyan.
Mga namumulaklak na walang kasiguraduhan.
Na kung magtatagal ba ang pamumukadkad o malalanta nang tuluyan.Hindi ako naghahangad ng kung anuman.
Handa akong masaktan,
Yun ang tanging sugal na alam kong di ko pagsisisihan.
Kung masaktan man, alam kong lubos na kasiyahan ang naranasan.Muli ang makata ay nagtala ng kanyang naiisip.
Kung saan makikita mo sa kanyang mata ang nag uumapaw na pag ibig.
Mula sa pamilya, kaibigan at para sa panibagong tao ng kanyang buhay.
Unti unti, ngiti ay sumilay.-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Etong piyesang ito inialay ko to sa isang napaka espesyal na tao.
Akala ko nga di ko na mahahanap to eh pero nakita ko siya... ang tulang ginawa ko sa taong iiwan lang din pala ako.

BINABASA MO ANG
Random Writings
RandomThis is the compilation of all my random works. Mapatula o short story at kung ano ano pa. Nawa'y masiyahan kayo sa pagbabasa 😊