Random Entry #3

20 2 0
                                        

"Ang pag-amin ng Makata"

Malamyos na paghalik
Mga alaala'y nanunumbalik
Dinama sa pagpikit
Inalala ang ngiti mong marikit.

Init ng yakap mo
Tagos hanggang buto ko
Mahirap kalimutan
Dahil ito ay alaalang pangmatagalan.

Muli ay nagpapakamakata..
Marahil ay umiibig na yata..
Hindi na dahil sa hinagpis
Ngunit dahil sa pagmamahal na labis ang tamis.

Kung ito ay mababasa mo
Ako ay may aaminin sa iyo...
Unang beses akong gumawa ng tula
Na alam kong kakaiba ang pagkakatono.

Ang kaibahan lang nito,
Puso'y hindi na naghihinagpis at nagpapakabato
Hindi ito katulad nang nakagawian
Mga pagkasawi ay sa tula idinadaan.

Iisa lang pinanghuhugutan ko nito,
Ang pag ibig na mayroon ako sa iyo.
Unang beses ito na gumawa ako ng tula
Laan lamang sa taong inihihiling ko sa mga tala.

At masasabi kong kay sarap palang magpakamata,
Bigyan ka nang namumulaklak na salita.
Ngunit hindi ito disenyo para saktan ka.
Subalit isa itong pag amin na alam kong kakaiba.

Maraming salamat sayo
Tula ng pagkasawi ay mahihinto na rito.
Wag ko sanang maranasan sayo
Ang mga pagkasawing dinaig pa ang bagyo.

Malaki ang tiwala ko sayo
Dahil nagmamahal ako ng totoo.
Handa akong masaktan
Huwang mo nga lamang akong iiwanan.

Muli, ito ay tula na hatid ko para sayo.
At ninanais ko na sana ay magustuhan mo.
Ang kakaibang paglalahad ng pag ibig...
Ng isang makatang umiibig sayo.

Random WritingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon