"Nang umibig ang makata"
Umibig ang makata sa kanyang mambabasa..
Hindi inaasahang pangyayari ang kanyang natamasa.
Maraming naging balakid,
Mga pagtututol na walang patid.Magulo at di malaman ang gagawin..
Sa mundong tila ginulo ng lawin.
Ano nga ba ang nangyari?
Kahirapan at kalungkutan ang naghahari...Pumikit ang makata...
Nakatakas ang luha sa kanyang mata.
Ngumiti nang kay pait..
Hindi alintana ang mga salitang mapanglait..Pagmulat niya lumagblab ang determinasyon..
Na hinding hindi mabubulag ng simpleng imahinasyon.
Hinawakan ang kamay ng sinisinta...
"Mahal ko" mga ngiti ay muling ipininta..Inakay ng makata ang mambabasa..
Itinayo sa gitna ng ulan at di inalintana ang pagkabasa.
"Hindi ko bibitawan ito..." Bulong ng makata sa mambabasa.Kahit patuloy ang luha sa pagragasa.
Nais makita ng makata ang pagngiting muli ng mambabasa..
At hindi niya hahayaang muling lamunin ng negatibong kaisipan na tila yata parusa.Handang samahan ng makata ang mambabasa..
At hinding hindi niya hahayaang lumaban ito nang mag isa.Nang umibig ang makata sa mambabasa...
Bubuhayin nito ang katiting na pag asa...
Kahit malabo ay gagawin niya ang lahat nang makakaya...
Dahil para sa makata nais niyang ang mambabasa ay sumaya.Nang umibig ang makata...
Muling pangingitiin at pasisiglahin ang iyong mata.Nang umibig ang makata...
Bibigyan ka niya ng lakas gamit ang kanyang matatalinhagang salita.
Sana'y mapagaan ng makata ang dinadamdam ng mambabasa.Sapagkat walang tanging hangad ang makata kundi ang bumuti ang kalagayan ng kanyang sinisintang mambabasa.
BINABASA MO ANG
Random Writings
AcakThis is the compilation of all my random works. Mapatula o short story at kung ano ano pa. Nawa'y masiyahan kayo sa pagbabasa 😊