Nicholla's POVNg dumating na ang mga order namin ay nag simula na ang aming pag uusapan tungkol sa nalalapit na launch ng bago naming romance comics.
Kasalukuyang nag iihaw ako or niluluto ang pork and beef sa griller ng biglang nag salita si Team leader Sihbahd.
"Fat nic!talagang nangunguna ka sa pagkain ah? HAHAHAHA at pag ikaw talaga ang umuorder nauubos ang laman ng atm card natin HAHAHA."saad ni Team Leader Sihbahd.
Grabe talaga ugali nitong si team leader sarap hambalusin ng griller eh! charottt!!!
"Ahhh hehehe ganon po ba? HAHAHAHA edi wag kayong kumain."kukuhain ko na sana yung mga pagkain nila ng bigla nilang yinpos ang mga plato nilang may pag kain,tss mga maaarte!;lalo nayang si team leader,vice leader at si president.
"Ahh gusto nyo rin pala eh kala ko ayaw nyo."napangisi na lang ako sa inaakto nilang tatlo tss mga hangal! charinggg!!!
"Ahmnn fat nic pwede mo bang ikuha kami ng tubig? "saad ni vice leader ha! asong gala sobrang talas ng dila kung mang lait pero parang musmos na kuting kung mang utos! grabe! napakagaling talaga nila.
"Ahhh? ganon ba? vice leader? sige ikukuha ko kayo ha? dyan lang kayo." nakangiting saad ko sakanila pero PLASTIK hayss buhay life is full of plastik este surprises.
Tumayo na ako at ng nakangiti pa din at pag talikod ko sabay simangot, ha! napaka nila talaga! nanggigigil ako sakanila eh! sarap tabasin ang dila at gawing dila dila! charinggg hahaha qiqil mOh seH akHo BehHj.
Putsa bat pa kase ako naging mataba? tapos ganto pa mga tao sa mundo mga mapanghusga,mapanglait mga walang magawa! hindi na lang atupagin ang sarili nila at talagang pati buhay ng ibang tao inaatupag alam ba nila yung salitang selfish? sana kahit minsan maging ganon naman sila hindi kung kani kaninong buhay ang pinapakailaman nila juskooo! napaka pakailamero! kaya hindi naunlad ang pilipinas eh! tapos madami pang na re rape na lalaki weyt.. anong konek? hahaha awan balakayodyan.
Habang nag lalakad ako palinga linga ako sa paligid nag babaka sakaling makahanap ng Water dispenser,pabalik na sana ako sa table namin ng biglang sumikip ang dibdib ko ng marinig ang pinag uusapan nila tungkol sakin.
"Writer Lim? Bakit tinitiis mo pang makasalamuha si fat nic?,you know sobrang daming magagandang babae dyan sa paligid pero napili mo pa si fat nic na sobrang taba HAHAHAHA." nakakalokong saad ni team leader kay writer,shit naiiyak na ako.
"Oo nga naman writer dapat kung meron ka mang ka trabaho dapat yung kasing sexy at kasing ganda ko naman! Haytss ikaw ang gumagawa ng sarili mong kahihiyan,kung ako sayo alisin mo na si fat nic at humanap ng kasing sexy at kasing ganda ko upang may maipagmalaki mo ang mga ka trabaho mo diba?". Nakangising saad ni president sheena kim kay writer.
"Well,yeah Nicholla is fa-."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni writer lorrenz dahil nasaktan na nga ako sa sinabi ng iba pero mas lalo akong masasaktan kung sa taong gusto ko pa maririnig yun.
At eto na nga,tumulo ang mga luhang gustong gusto ng umalis sa mga mata ko mga asong gala itong mga luhang eto anlalandi huhu.
Paalis na ako,Ngunit pag lingon ko sa harap may waiter akong kasalubong at may dala itong mga pagkain,dahilan upang matapon lahat ng pagkain sa akin lalo na sa damit ko huhu minamalas talaga.
Sobrang lakas ng pag kakabungo nya sakin kaya napa upo ako sa sahig,hindi agad ako naka recover at natulala lang ako na tila nag mumuni muni at hindi alintana ang mga nangyayari sa paligid.
Naka recover lang ako ng may naramdaman akong kamay sa aking mga balikat,nag angat ako ng tingin at nakita ko si Writer Lorrenz,hindi ko maintindihan kung bakit tila ang mga mata nyang naka titig saakin ay may halong lungkot at pag aalala,bakit tila nag aalala sya sakin? at bakit tinulungan nya pa ako? Eh kanina pinag uusapan pa nila ako at nilalait lait pero bakit sya andito?or it is because empleyado nya lang ako? Tama... Hanggang empleyado lang ang tingin nya sakin at itong pag aalala sa mata nya?empleyado lang din ang dahilan.
Bumalik na ako sa wisyo, bigla na lang akong tumakbo sa labas ng restaurant at hindi pinansin ang tao sa paligid,sigurado akong pinagtatawanan at pinag uusapan na nila ako dahil sa katangahan ko,wala eh ganun talaga kapag hindi maingat.
Ng makalabas na ako ng restaurant tumigil ako sa pag takbo at humarap sa kalsada nawala na naman ako sa wisyo,yung mga taong nag lalakad at naka sakay sa sasakyan pinag titignan nila ako at siguro'y nagtataka kung bakit ganito ang itsura ko pero di ko sila pinansin,may ilang minuto din akong nakatulala sa kawalan, nagulat ako ng may biglang naglagay ng coat sa aking likuran pag lingon ko nakita ko na naman ang lalaking akala ko ay kinakampihan ako sa lahat ng bagay,at ang lalaking akala ko ay may pagtingin sakin pero haha sino naman ako para mag assume? Eh empleyado lang naman akong nagkakagusto sakanya at hanggang empleyado lang ang tingin nya saakin.
"Nicholla....."
"Thank you nga po pala sa coat writer lorrenz,mag kakape lang po ako at mag papahangin iwan ko na po kayo."tumalikod na ako sakanya pero natigilan ako ng magsalita pa sya.
"Nicholla,babalik ka pa diba?,iintayin ka namin,kailangan ka namin at kailangan kita."seryosong saad ni writer pero hindi ko sya nilingon pero huminto ako at nakinig sa sinabi nya isang tango lang ang ginawa ko at nilisan ang lugar na iyon.
Nag lalakad lakad lang ako sa tabi ng kalsada at patuloy lang sa paghihinagpis charrr!,nag iisip ako,sobrang lalim ng iniisip ko muntik na akong malunod charr!,andami kong iniisip tulad na lang ng bakit hindi natin nakikiliti ang sarili natin? Diba? Oh! Ginawa naman nya amp!,bakit di ka crush ng crush mo? Diba? Parang ako at si Writer Lorrenz,crush ko sya tapos ako hindi nya crush oh diba? Ano pang hinihintay mo? Suicide na! Support kita! Charot! Hoy wag mong gagawin yun! Kase suicide is a sin! In tagalog ang pagpapakamatay ay asin charot!,ang pagpapakamatay ay kasalanan! Yan tatatatak mo yan sa kokote mo! At saka yung spongebob! Nasa ilalim na nga sila ng dagat,may dagat pa din sa ilalim ng dagat haytss! Kaloka!.
𝓢𝓸𝓻𝓻𝔂 𝓼𝓪 𝓽𝔂𝓹𝓸💕
-🅻🅾🆅🅴 🅻🅾🆃🆂🆂
-KulotThink-💜
YOU ARE READING
Let Me Love Coffee
RomanceDo you love some Coffee? Do you want some Coffee? Do you like some Coffee? Well, if you're certified Coffee Lover... you'll definitely LOVE this Story♡