Krian's POV
My first week was fine. Ang dami kong nakilalang mga kaibigan dahil kay Gelo.
Sina Elyze, Red, Zach, Myscha ang mga bestfriends niya since gradeschool at marami pang iba.I never expected na magiging ganto ka-welcoming ang mga tao dito.
Anyway, nagaayos lang ako ng sarili ko dito sa kwarto. May lakad kasi kami mamaya ng kuya ko. Pupunta lang kami sa mall at bibili ng kung ano ano.
"Ian, tapos ka na ba? Paka tagal mo", sabi ni kuya habang kinakatok ang kwarto ko.
"Wait lang malapit na", sabi ko sa kanya.
Kinuha ko na ang wallet ko at tinignan ang sarili ko sa salamin. Ang sinuot ko lang ngayon ay black crop top, maong shorts, at white converse.
"Ayos ah. May kikitain ka 'no?", pangaasar ni kuya. May saltik talaga 'to.
"Ano ba kuya! Tigilan mo nga ako. Good mood ako ngayon kaya wag mong sisirain ang araw ko" sabi ko sa kanya at lumabas na ko ng unit namin.
Pagkatapos nun ay agad din kaming sumakay sa kotse. As usual, natulog pa rin ako kahit 'di ganun kalayo yung mall. Bakit ba? Masarap nga kasi matulog.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa mall.
"Ian ano gusto mo? Kumain muna tayo o bibili?", tanong ni kuya habang tumitingin tingin sa paligid.
"Kain muna tayo kuya nagugutom kasi ako eh. Tsaka para may energy tayo pag maglilibot na", sabi ko sa kanya at umagree naman siya sa akin.
Pagkatapos namin kumain parang hindi mapakali si kuya. Tingin na naman ng tingin sa paligid.
"Kuya kanina ka pa ganyan. Problema mo?",
tanong ko sa kanya."W-wala ah", sabi nya. Nauutal pa.
"Tara na nga", dagdag niya.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakita ko ang favorite shop ko at inaya si kuya sa loob.
Habang tumitingin tingin sa mga damit, naiinip na si kuya at hindi nga mapakali.
"Ian labas lang ako. Dyan ka lang ha", sabi ni kuya habang nagmamadali.
Nagtagal ako sa pagfit ng mga damit at wala pa rin si kuya. Binayaran ko na agad at lumabas para hanapin sya.
Aba akalain mo nga naman, may kasama palang babae. Kaya pala kanina pa hindi mapakali.
To: Kuya
HOY! Kaya pala kanina ka pa di mapakali ah, may kikitain ka pala.
Anyway, sige pakasayo kayo. Maglilibot nalang ako dito.From: Kuya
Sorry na hahaha! Thank you ah. Sige libre nalang kita pag pauwi na tayo.
Eto talaga si kuya pakalakas sa mga babae.
Syempre wala na akong ibang magagawa kundi maglibot mag-isa. Siguro maghahanap nalang ulit ako ng pagkain.
Habang naglalakad, pansin kong may natatanaw akong pamilyar na mukha.
Patricia? Oo si Patricia yon!
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kanya dahil miss na miss ko na siya.
"Pat! Hoy!", sigaw ko sa kanya.
"Iaaaannn!!!", sagot niya.
Niyakap namin ang isa't isa sa sobrang miss. Hindi ko akalain na nandito siya. Bruhang to di manlang ako sinabihan.
"Di mo ko sinabihan nandito ka pala", sabi ko.
"Sorry na. Eh akala ko kasi busy ka. Wag mo na isipin ang importante nakita mo ko", sabi niya.
Gusto ko pa sana siya makasama ng matagal dahil marami akong kwento sa kanya kaya pinagpaalam ko siya kina tita.
"Tita, dito po ba kayo sa Manila magsstay for weekend? Pwede ko po bang isama si Pat sa condo?", tanong ko sa kanya na may hiya pa.
Hindi agad nakasagot ang mommy ni Pat ngunit tinignan siya ni Pat na may nakakaawang mukha pero para sa'kin mukha siyang tanga.
"Pat mukha kang tanga", bulong ko sa kanya.
Tumawa siya pero patuloy pa rin sa pag gawa nung mukhang yon.
"Eh ano pa bang magagawa ko. O sige na. Susunduin nalang namin siya mga bandang 2PM iha. Mag-iingat kayo ha?" sagot niya na nakapagpasaya sa amin ni Pat.
"Yey! Thank you mommy mahal mo talaga ko", sabi ni Pat at niyakap ang mommy niya.
"Basta Ian mag-iingat kayo ha? Sa susunod si Pat naman ang bisitahin mo para makapunta ka na ulit ng Bulacan", sabi sa akin ng daddy ni Pat at ngumiti nalang ako sa kanya.
Hindi nagtagal at umalis na rin kami ni Pat. Naglalakad lang kami at nagkukumustahan lang ulit ng may tinanong siya sa'kin.
"So, sino si gelo?"
—————————————————————
eto na guys pinakahihintay niyong update!!!
salamat sa suporta hehe love u all ❤️
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
FanfictionGelo, a well-known varsity player in La Salle, haven't fell inlove with a girl before until the tables turned and unexpectedly had feelings for Ian, a new girl in La Salle.