Budol Is Real

34 1 0
                                    


Ako lang ba, ako lang ba yong na biktima ng mahigpit na yakap at halik sa noo, na buong akala ko ay totoo. Ang galing, A+ sa effort, at todo kung maka comfort.

Ako lang ba o pati ikaw, o baka naman pati siya na hindi pa bumibitaw, ikaw ikaw nga na halatang halata mo na nga, pinipikit mo pa, hindi ka sardinas kaya wag kang sumiksik o ipagpilitan ang sarili mo sa taong una palang umaayaw na.

Ayaw mo bang bumitaw dahil mahal mo pa? O ayaw mo lang talagang bumitaw kasi may pakinabang pa siya??
Minsan connection nalang ang minimentena, konting hi hello tapos kilig na kikig ka pa, hindi kaba nag taka na minsan na wro wrong send siya, o baka naman nag bubulag bulagan ka lang kase akala mo typo error lang niya??

Ikaw, oo ikaw na nakakulong sa ala-ala ng kahapon, ala-ala na tinangay ng alon at hangin kasama ng mga dahon, mga ala-alang hindi mo binibitawan kaya di ka maka ahon, ang malala siya ok na sa iba habang ikaw dipa nakaka move-on.

Ok lang mag mahal at masaktan, wag lang kalimutan na sarili muna ang mahalin bago ang anu paman.

Sa panahon ngayon, daig na ng masigasig ang mahal, dahil kung masigasig ang lalandi pustahan tayo malingat ka lang sandali iba na ang Tina tawag na mahal.

Kaya beware

We are in the time where everything is uncertain. Let your heart heal and be wise because we are living in a world where budol-budol is real and is very certain.

**
Comment if you want this to be translated in English.

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now