Bahay Kubo

26 0 0
                                    

BAHAY KUBO kahit munti ang halaman doon ay sari sari SINGKAMAS at TALONG, SIGARILYAS at MANI, SITAW, BATAW, PATANI, KUNDOL PATOLA UPO'T KALABASA at tsaka meron pa LABANOS MUSTASA, SIBUYAS, KAMATIS BAWANG AT LUYA, ANG PALIGID LIIGID ay puno ng LINGA.

Bahay na Kubo kahit na munti ang halaman naman doon ay sari-sari.

Tara sa aming bakuran, ipapakilala sa inyo mga gulay na  nagmulat sakin sa forever na walang patunay.

SINGKAMAS, gaya ng crush mo na ang crush ay ang classmate mo, grabe diba walang kasing malas.

TALONG, kumain ng talong, upang ikaw ay tuluyang makawala sa pagkakakulong sa mga ala-ala niyo na kahit kailan ay wala ng karugtong.

SIGARILYAS, para sa pusong linayasan ng jowang biglang umalpas.

at MANI, MANIniwala kaba kung nasa harapan mo na? Na kahit kailan hindi ka talaga pinahalagahan minani mani ka lang pala.

SITAW at BATAW, pang hampas sa ex mong walang pasabi bigla nalang bumitaw,

PATANI, para naman sayo na minamahal kunwari.

KUNDOL, para sa mga taong na budol-budol.

PATOLA, para naman sa mga lalaking patol ng patol kahit  meron naman ng jowa.

UPO'T KALABASA, para sa mga pinaasa, umaasa at mga aasa.

At tsaka meron pa pala

LABANOS, para sa mga pusong pa dalos-dalos.

Tanong ko lang

MUSTASA, mustana? pa tuloy parin bang umaasa?? O nawalan na ng pag-asa?

SIBUYAS, umiyak ka tapos sabi mo kasalanan ng sibuyas? Ganyan talaga kapal ng mukha kung sino pang nanakit siya pa tong wagas maka luha.

KAMATIS, nangamatis na ang ilong mo kakaiyak pero Kayang kaya ka niyang matiis, ganyan naman masaya sa umpisa pero pagkatapos wala na parang na DISMISS.

BAWANG at LUYA, para sa lahat ng lumuha at ngumawa ngawa.

At Huling paalala at makatulong sana

Bantayan ang jowa dahil sa pag linga sa paligid ligid ay baka mabingwit ng iba na pa ali aligid.

Simpleng mga gulay ngunit and hatid ay sigla sa ating buhay.

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now