A-Ba-Ka-Da

11 0 0
                                    

"saksi ng aking pagkabigo"

A - Akala ko ako lang pero bakit biglang may iba? May iba na na bumihag sa iyong pagsinta.

Ba - Bawat araw na nagdaraan ay parang araw ng aking kamatayan, araw na kung saan ang aking liwanag ay nawala na ng tuluyan, araw kung saan and ako at ikaw ay wala na, araw na ang pumalit ay ikaw at siya, kayo nang dalawa.

Ka - Kahit masakit kakayanin ko, kakayanin ko na makita kang may kapiling na iba, kakayanin ko na makitang masaya ka sa kanya, kakayanin ko na maging masaya kahit alam kong ang dahilan ng kasiyahan mo ay hindi na ako kundi siya.

Da - Dahil mahal kita kaya kita pinaparaya, pinapalaya sa lahat, sa lahat ng mga ala-alang kay sarap balik-balikan, mga masasayang ala-ala ng ating nakaraan, mga ala-alang kahit kailanman ay hindi na makakamtan.

E - Ewan ko kung bakit naging ganito tayo, nag bago ba ako? Baka ikaw? O baka tayo? Tayo na masaya, tayo na minahal ang isat-isa, tayo na parang walang hanggan pero ngayon ay nagkaroon ng katapusan, kayo na ang magkasama, kayo na ang nagmamahalan, at ng naging kayo, ay siya ring nag bigay hudyat ng ating mga pangarap na wala ng katuparan.

Ga - Ganito ba talaga? Ganito ba, na pag nagmahal ka ay parang panandalian lang, parang dumaan lang, parang saglit lang.

Ha - Hahamakin  ko ang lahat makasama ka lamang, lahat, lahat, upang makapiling ka nanaman, pero alam kong....

I - Iiwasan mo lang, iiwasan mong malaman ang tunay na nilalaman ng pusong sugatan.

La - Lalaban pa sana, lalaban para sa mga ngiti mong kay sigla, lalaban para sa atensiyon mong ayokong mabaling sa iba. Pero....

Ma - Malabo na diba? Malabo na na maging tayo pa, malabo na para maulit pa, at higit sa lahat, malabo na na mahalin mo ako dahil ang mahal mo na ay siya.

Na - Nananatiling sayo lang ang pagsinta, pusong ikaw lang ang laman at wala ng iba pa, ikaw, ikaw na mas pinili siya.

Pa - Papaintindi sa pusong ito, papaintindi na kahit kaioan ay hindi na magiging tayo.

Ra - Raramdamin ng pusong luhaan, na ang pag-ibig ay para sa dalawa lang, dalawang pusong kontento at nagmamahalan.

Sa - Sana maging masaya ka, sana maging maligaya ka, at sana, makamtan mo sakanya ang sa akin ay di mo nakita.

Ta - Tatawa nalang, itatawa nalang lahat ng luha, lahat ng luha para sa ating nilibing na pagsinta.

U - Uuwi ngayong talunan, talunan sa digmaan na masaya sa umpisa pero kalauna'y nakakabalisa.

Wa - Wala mang ako at ikaw o tayo, wala man ang happy ending ko sayo, pero hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa na darating siya. Siya na....

Ya - Yayakapin ako at magsasabi ng "wag kang manghihinayang dahil nawala siya, wag kang manghinayang sa mga oras na ginugol mo sakanya, bagkus magpasalamat ka dahil nagkaroon ako ng pagkakataon para yakapin ka at sabihing andito lang ako, mamahalin ka kahit mahal mo parin siya, siya na mas pinili ang iba" at...

A-Ba-Ka- pagsubok lang siya, pag-subok lang siya Da- dahil para sakin ka talaga Ne***i L**.

Midnight ThoughtsWhere stories live. Discover now