Chapter 1

15 0 0
                                    

It's only 5 in the morning but I'm here, packing my clothes for my 2 weeks vacation. Ayoko sana umalis dahil gusto kong matulog kaso napilit ako ng nanay ko.

"C'mon, Vach, maybe you just need some rest. Maybe you only said that because you're stressed or something. Just go there and relax for two weeks."

"Tss," bulong ko nang maalala ang sinabi ni Mama. Kunyare pa sya, gusto nya lang umalis ako para mapakalma yung tatay ko na hindi pa rin matanggap na ayaw ko na mag-aral.

Isinukbit ko ang bag ko sa balikat. Konting damit lang ang dinala ko dahil ayoko ng masyadong maraming bitbit. Pwede namang bali-baliktarin nalang yung damit.

Napangiwi ako nang makita ko ang tatay ko na nasa sala pagkababa ko. Nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.

"Vach, mag-ingat ka, ha?" biglang sulpot ni Mama. Tumango nalang ako. May inabot pa sya saakin na plastik ng pagkain. "Ayan, baunin mo yan. Umupo ka muna don at mag-agahan ka." sabi pa ni Mama kaso narinig ko ang pagtikhim ni Papa.

Napatingin kami sakanya na patuloy pa rin sa pagbabasa ng dyaryo nya. Tinignan ko nalang si Mama. Mukang pati paga-almusal ayaw nya akong payagan. Edi wag. Tss.

"Alis na 'ko, ma." paalam ko. Inihatid pa ako ni Mama sa pintuan at pasimpleng iniabot ang susi ng kotse namin.

Napataas ang kilay ko at bahagyang napangisi. Mabuti nalang pinahiram saakin yung kotse, kundi talagang itutuloy ko na ang pagtatanim ng galit sakanila.

"Mag-iingat ka, ha? Wag ka masyadong maliwaliw---"

"Ma, paano ako makakapagliwaliw don, puro puno ang nandon?" nakangiwi kong tanong sakanya. Nakita ko namang natawa si Mama.

May nakita daw kase syang probinsya na relaxing daw. Ayon, nagrenta ng isang kwarto at doon daw muna ako para makapagrelax.

Mukhang mas ok na don kesa naman nandito ako sa bahay at minu-minutong makita ang tatay ko na ayaw akong pag-aralin dahil ayaw nyang maiba ako ng kurso.

Kawalan ba kapag naiba kami ng landas?

Napangiwi ako nang maisip na maging teacher ako. Pucha, baka mabatukan ko ng wala sa oras yung mga estudyante ko. Maikli ang pisi ko pagdating sa mga bata.

Nagpaalam na ako kay Mama. Ang dami nya pang binilin, kesyo maglalock daw ako ng pintuan don dahil baka daw manakawan ako. Wag daw akong magluto dahil baka daw masunog ko yung nirentahan nyang kwarto, may maghahatid naman daw ng pagkain saakin dahil daw package daw yun.

Nakakapagtaka lang na nasa liblib na lugar yung sinasabi ni Mama na nirentahan nya tas may pa-package pa. Tss.

San Sebastian ang pangalan nung lugar na pupuntahan ko. It's 8 hours away from our hometown. Damn, I could've sleep that long if my dad could accept the fact that I don't want to be a teacher.

Nilibang ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pakikinig sa kanta sa radyo. Napabuntong hininga nalang ako at bahagyang napasabay sa kanta.

Please don't see
Just a boy who caught up dreams and fantasies
Please see me
Reaching out for someone I can't see

Binuksan ko ang bintana ko at dinama nalang ang hangin. Wala pa masyadong traffic dahil express way ang dinaanan ko. Habang nagdadrive ay kinakain ko ang pinabaon saakin ni Mama na tinapay.

God, tell us the reason
Youth is wasted on the young
Its hunting season and the lumbs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars?
Trying to light up the dark?

Lost StarsWhere stories live. Discover now