Chapter 10

9 0 0
                                    

For the past years of my existence, I never thought of leaving. I never thought of leaving my family especially my Mom, cause I know, I'll hurt her if that happens.

I want to make them proud. I don't want them to be disappointed on me. So, I listened to everything they wanted me to do. I never disagree on what they want.

Well, this was the first.

"What the fuck does that mean, Dawn?" narinig ko ang sigaw ni Perseus. Malayo sila saamin. Matapos kasing isigaw yon ni Dawn, naihinto ko ang kotse sa gulat. Natauhan nalang kami nang makita naming kinaladkad na ni Perseus ang kaibigan nya papalayo saamin.

"Aalis ka? Kelan? Bakit?" magkakasunod na tanong pa ni Perseus kay Dawn na nakatingin lang ng diretso sakanya. Nanatili lang kaming tatlo nila Orion at Gal sa kotse at bahagyang nakikinig sa dalawa. "Ano? Sumagot ka nga, Dawn!" inis na sabi ni Perseus.

"Basta. Matagal pa." rinig kong sagot ni Dawn. Akma ko silang sisilipin pero narinig ko ang yabag ng paa nung dalawa pabalik sa kotse.

"Bakit ka ba kasi aalis, ha?" narinig ko pa ang paghabol ni Perseus sakanya. "Ni hindi ka manlang nagsabi saakin. Akala ko ba best friend mo ko, ha?" inis na namang tanong nya.

"Tsh. Porket ba best friend kita kaylangan lahat alam mo?"

"Bakit? Kung best friend mo ko dapat sinasabi ko saakin yung mga ganyang bagay!"

"E, sa ayaw ko sabihin may magagawa ka ba?!"

"Anong---Hoy! Ang gusto ko lang naman sabihin mo sakin! Bakit inaaway mo ko?!"

"E, ang kulit mo, e! Lahat ba kaylangan sabihin ko sayo?!"

"Edi wag mong sabihin! Para nagtatanong lang ako!"

"Ewan ko sayo!"

Padabog silang pumasok sa kotse kaya napatingin kami sakanila. Bakas na bakas sa muka nilang dalawa na pikon na pikon sila. Napangiwi nalang ako at akmang is-start na yung kotse pero pinigilan ako ni Perseus.

"Wag mong papaandarin 'tong kotseng' to hangga't hindi sinasagot nyan kung bakit sya aalis." pikon na sabi ni Perseus saakin.

"Ewan ko sainyo." ngiwi ko sakanila at akma na namang pipihitin na ang susi pero pinigilan na naman ako ni Perseus. "Alam nyo kung magka-away kayo, wag nyo na kami idamay. Nakikita nyo ba kung nasaan tayo? Nasa gitna tayo ng kawalan. Magdadrive lang ulit ako papasok ng San Francisco. Doon, pwede nyo na gawin lahat ng gusto nyo." inis kong sabi sakanya at tuluyan nang pinaandar ang kotse.

Nabalot ng katahimikan ang kotse. Tulog na si Gal at nakanganga pa habang nakatingala. Si Orion naman ay umiinom pa rin habang yung dalawa ay bulong ng bulong.

"I'll turn on the radio, okay?" I told them. Hindi sila nagsalita kaya binuksan ko nalang yon.

Who's gonna pick you up,
When You fall?
Who's gonna hang it up,
When you call?
Who's gonna pay attention,
To your dreams?
And who's gonna plug their ears,
When you scream?

Napakunot ang noo ko sa kantang yon. I'm not a fan of music, but this one's nice. Pinakinggan ko ang kantang yon hanggang sa makarating na kami sa Plaza ng San Francisco. Inihinto ko ang kotse sa isang gilid at pinatay na ang radyo.

"Pwede na kayong mag-usap." sabi ko. "But, please, turn down your voices. Damn, I don't want anyone to chase us suddenly because of your noise!" I reminded them.

Nakita ko ang pag-irap ni Dawn, hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko o sa paglabas ni Perseus. Kaagad na binuksan ni Perseus ang pintuan kung saan nakaupo si Dawn.

Lost StarsWhere stories live. Discover now