Chapter 7

4 0 0
                                    

"Hoy, tatalon ka dyan? Di ka mamamatay dyan!" napaupo ako mula sa pagkakabulagta nang marinig ang sigaw ni Perseus.

Nahihilo pa rin ako pero pinilit kong tumayo para mapuntahan sila Gal, Dawn at Perseus. Nakatungtong di Gal sa isang barikadang gawa sa bato. Nakatingala sya at nakatalikod saamin, nakaharap sa palayan.

"Gal, hoy! Gal!" nataranta kami nang biglang humangin ng malakas at matumba si Gal sa palayan. Mabilis na sumunod si Dawn kay Gal.

"Ano? Tignan mo yung ulo, baka nabagok!" natatarantang sigaw ko at sumunod sakanila. Pakiramdam ko nawala ang kalasingan ko dahil sa pagkakataranta.

"Patola, ampota." natigilan ako nang magsalita si Gal na nakahandusay sa lupa. Napangiwi ako at ipinakita sakanya ang gitna kong daliri pero inirapan nya lang ako.

Umupo nalang ako sa lupa, binabaliwala ang mga damo at kung ano-anong insektong dumidikit saakin. Naramdaman ko rin na nagsi-upo sila Perseus at Dawn habang si Orion naman ay sa barikada umupo.

"Hoy, dito ka!" sita ni Dawn kay Orion.

"Ayoko, madumi dyan."

"Arte nito," reklamo ni Dawn kaya tinadyakan sya ni Orion kaso si Perseus na tulog na ang tinamaan.

Naalimpungatan si Perseus at tumayo. Akala ko ay gaganti sya kay Orion pero ngumiti sya at kumanta ng malakas.

"Yeah, you're gonna say more, more, more and more." kanta nya habang sumasayaw. Napahagalpak kami nang tawa. Si Dawn ay agad na kinuha ang cellphone nya at vinideohan si Perseus na feel na feel maging dancer.

"Apakapangit ng boses, depungas." reklamo ni Orion na walang kamalay-malay sa kagaguhan ni Perseus. Si Gal naman na nasa tabi ni Dawn ay hinihingal na sa kakatawa. Hindi pa nakuntento, humahampas pa saakin.

"Pakilala ka! Pakilala ka!" sabi ni Dawn habang nagvivideo pa rin. Nagulat pa ako nang sumunod si Perseus at ngumiti.

"Annyeonghaseyo! Perseus imnida! And I am the 10th member of twice!" sabi nya at yumuko bago nag-peace sign.

Nagiging koreano pala 'to kapag lasing.

Napailing nalang ako sa pagsunod nya sa pantitrip ni Dawn. Siguradong bukas mag-aaway na naman sila.

"Fancyyyy! Youuu!" kanta muli ni Perseus habang sumasayaw. Napahagalpak na naman ako ng tawa.

"Hawakan mo, hawakan mo!" Dawn said and passed me the camera. She's a bit tipsy I can say. Muntik na siyang bumaliktad nang tumakbo papunta kay Perseus.

Unconsciously, I enjoyed their bond. They kept dancing different kinds of choreo and they're actually good! Isang tinginan lang nila ay alam na nila ang sunod ma sasayawin nila. Dang, they have the same braincells.

"MiChaeng lang malakas!" biglang sigaw ni Perseus. "SaTzu lubog!" sigaw pa nya dahilan para batukan ni Dawn si Perseus at bumulagta ito.

"Hoy, nawalan ng malay!" sita ko habang nakaturo kay Perseus.

"Turo ka ng turo, manuno ka dyan." sabi ni Dawn. "Wag mo alalahanin yang kupal na yan. Bukas magigising yan." sabi nya at inagaw na saakin ang cellphone nya tsaka umupo ulit sa tabi ko.

Tawa lang kami ng tawa at paulit-ulit na pinanood ang video ni Perseus. Tulog na tulog na kasi sya at nakayakap pa sa binti ko. Nang magsawa sa panonood ay napatingin kami kay Gal na nakahiga pa rin at nakatulala sa langit.

Ginaya ko sya at tumitig sa langit.  Napangiti ako nang makita ang tanawin. Sa totoo lang, ngayon ko lang na-appreciate ang buwan. Naghanap ako ng bituin kaso nag-iisa lang ang mayroon don.

Lost StarsWhere stories live. Discover now