XI: GALAntic mess

22 5 0
                                    

GABRIEL SAGE "Gab" POV

This party is....


Boring!


"Hola, Good evening! I want you all to meet my son Gabriel Sage." Pakilala ni papa sa akin sa mga tao dito.


Bumaling sila lahat sa amin saka sila tumayo at nakipagkamay kay papa. "Good evening! Nice to see you!" sabi-sabi nila.


Ang dami nila dito 'yung iba mga americans, asians at may mga british din. Obvious naman sa kanilang accent. Para akong nasa loob ng isang world peace poster campaign na may nakalagay na 'We are one family!'. 😊


Ngumiti sa akin ang isang babae na kasing edad ko lang. Hawak niya ang isang wineglass at pinagmasdan ako sa paa hanggang sa ulo. Awkward naman diba kung hindi ako ngumiti. Kaya ngumiti din ako sa kanya.


"Wow, este es tu único hijo?" Wow, is this your only son? Sabi ng isang matandang babae, siguro ina 'to ng babae na ngumiti sa akin kanina.


Nilagay ni papa ang mga kamay niya sa balikat ko at buong pagmamalaki niya akong tiningnan."Yes my son who is exactly like me." I looked back at papa's face and softly smiled.


Nagtawanan naman sila habang yung ibang tao nakangiti sa amin ni papa. "Hahahahaha. We can see that."


"Not only you, he also looks like me." Singit ni mama bigla. Mas lalo silang tumawa.


Sinenyasan kami ni papa na umupo kasama nila. Long table ito kaya maraming bakanteng upuan. Umupo na kami sa mesa saka nagsimulang makipag-usap. Tinaas nila ang mga baso nila para makipagtagay.


"Shall we make a toast?" Sabi ng Isang matanda. Hindi ako judger! Sadyang matanda lang talaga siya, okay?


Tumingin sa akin sila mama at papa, hinihintay ako. Nabigla naman ako kaya kung ano nalang ang kinuha ko sa mesa saka nahiyang ngumiti sa kanila.


"Cheers to a better future."


"Cheers"


"Salud"


"干杯Gānbēi"


"건배geonbae" Sabay-sabay nilang sabi.


"Tagay!" Huli akong sumigaw. They all looked at me weirdly like I said something wrong. Oops! May nasabi ba akong mali?


Binalewala naman nila ako kaagad at uminom pagkatapos. Do'n ko nalang nalaman na wala palang laman ang baso ko kaya nagkunwari nalang ako uminom. Ngumiti sila mama at papa sa akin kaya pinakita ko sa kanila ang baso ko na walang laman.


Kunwari na ubos ko na. heheheh 😊


Nakahinga nalang ako ng maayos nang nagusap na silang lahat ulit. Nabigla naman ako ng may narinig akong tumawa nang palihim sa tabi ko. Then I realized I'm sitting beside the girl who smiled at me awhile ago.


Ang awkward amp. Alam niya siguro na walang laman ang baso ko. Pinapahiya mo ang sarili mo, Gab! Tsk tsk!


Salamat nalang sa Diyos kasi may bumasag sa awkwardness. "So you're currently handling Amorador?" someone asked from the other side of the table.


"Ahh yes sr." Sagot ko.


"Wow, El futuro de Amorador es brillante." Wow, the future of Amorador is bright.


Everything About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon