III: Sage the wise

34 5 0
                                    

GABRIEL SAGE "Gab" POV

"Hola! Apo" sigaw ni lola ng sinalubong niya ako sa pintuan. "Miss na talaga kita baby ko" malambing na sabi ni lola. Tiningnan ko siya ng mabuti.


At least ni-mantain niya ang kanyang weight. Maputi at matangkad ang lola ko. Mahaba at straight ang kanyang buhok. Kitang-kita sa kanyang upturned eyes at mahabang pilik-mata na masaya siyang nakita ako. Kahit may edad na si lola napaka fashionista at may style pa si lola.


Daig pa niya ang ibang babae diyan. 


"Miss din kita la." Hinalikan ko siya sa may noo. At dumiretso naman ang tingin ko sa lolo ko na nakasandal sa may pintuan.


"¿Cómo estás? APO!!! Long time no see Mr. Playboy. Ilang babae naba ang pinaiyak mo sa Pilipinas?" tanong niya sa akin.


Tumawa naman ako nang sinusuntok ni lola ang bisig ni lolo. "Ikaw talaga kung, ano-ano ang tinuturo mo sa apo mo."


Tiningnan ko sina lolo at lola na nagtatawanan. Naalala ko tuloy sina mama at tatay sa Pilipinas kailangan ko pala sila tawagan mamaya. "lo,la ilalagay ko muna ang mga gamit ko sa kwarto. Saan po pala ang kwarto ko?" tanong ko sa kanila. Agad naman akong nilapitan ni lola.


"Ah apo, ito ang magiging kwarto mo, TADA!" pinakita niya sa akin ang isang malaking kwarto. May malaking bintana at katapat nito ang kama. Pati ang kama ko may design, may curtain pa ang kama ko. May isang upuan at bedside table. Chandeliers at isang tv ang makikita din sa kwarto ko. "Pinahanda ko talaga 'yan sa pagdating mo." Sabi ni lola sa akin.


"Gracias! Lola!"


"Sige na apo magpahinga ka muna tapos mag-uusap din tayo mamaya. Adios!"


"Adios la!"


Diretso kung nilagay ang mga gamit ko sa may lalagyan at kinuha ang selpon ko para i-facetime sila mama at papa. Sinagot naman nila kaagad. Seems like they were really waiting for me.


"Anak! Kakasabi lang ni papa na nakarating ka na daw. Kamusta ang biyake anak?" tanong ni mama. Looking at her surrounding, she is at her room with papa. I can also see some bits of food near her lips. Bago lang siya kumain.


"Okay naman po, medyo pagod pero magpapahinga ako pagkatapos tayong mag-usap. Kayo ma, kamusta kayo diyan? You just finished eating didn't you?"


"Yes anak we just finish eating with your mama. Hay nako anak huwag mo na kaming alalahanin. Ikaw dapat ang alalahanin namin, galingan mo ang trabaho mo diyan ok?" singit ni papa.


"Siyempre naman pa, ako pa."


"Oh sige anak magpahinga ka na, magingat ka palagi. At huwag kang magpastress ah, kung may oras matulog ka o magpahinga. Please sleep if possible." nagalalang tugon ni mama sa akin. Don't worry ma!


"Opo ma, sige magingat din kayo bye!"


Pagkatapos ko binaba ang tawag. Naligo muna ako at nagbihis ng pangtulog. Humiga ako sa kama at natulog na din.


Goodnight! :)



MICAELA NEVERA "Mica" POV

Nagtatago kami ngayon nina Amy at Danielle. Biglang bumukas ang pintuan at nagulat ang mga nakabantay ng walang tao sa loob ng silid.


Everything About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon