I: Meet Gab

72 7 1
                                    

Hi everyone kung sakaling may error in any form, sorry po. Filipino is not my first language pero ginagawa ko po ang best ko to give it my best shot💛 sorry kung medyo conyo...hehhehe

GABRIEL SAGE "Gab" POV

October 27, 2:30 A.M



"Sir, nandito na po tayo sa airport." Sabi ng driver ko


Binukaan ko yung mga mata ko at pinagmasdan ko ang paligid. Sinilip ko ang orasan ko at sabi ko na ba 30 minutes lang ang kailangan at aabot na ako dito. Kinuha ko ang passport, papeles at boarding pass sa tabi ng upuan ko "Sige salamat kuya, tatawagan nalang kita pagbalik ko." Tugon ko sa kanya.


"Sige po sir"


Lumabas na ako sa sasakyan at kinuha ang travelling bag ko. Pumasok ako sa airport at tumango ako sa mga gwardyang bumati sa'kin. Pumasok ako sa loob ng airport at dahan-dahang kinuha ang cellphone ko. 3:00 A.M pa, 4:30 naman ang boarding ko kaya mag co-coffee muna ako.


As usual pagpasok ko sa loob ng cafe ang daming babaeng tumitingin sa akin at nagbu-bulongan. Syempre! Kasi ang gwapo ko kaya hindi na ako magtataka kung bakit nila ako pinaguusapan. Pero dapat chill lang, lowkey hindi ko sila nakikita para may time pa sila akong titigan. PARA-PARAAN LANG!


"Hi miss isang Mocha Cappucino please." Sabi ko sabay ngiti, kinikilig din tong babae sa cashier dahil sa sinabi ko, 'ang hirap talaga noh pag gwapo'. HEPPPP!! Huwag mong kalimutan na dapat kunwari hindi ko siya namamalayan kasi base sa kanyang paraan ng pagkilos malandi tong babaeng to.


"Sige sir, can I ask your name and size na gusto mo?" lambing na sabi niya.


"Gabriel Sage and I want it large" seryoso kong sabi.


Nakita ko ang pisngi niyang pumupula kaya palihim akong ngumisi at umupo sa malapit na upuan. Kinuha ko ang selpon ko at nags-scroll sa FB kasi wala akong magawa.


"Hi miss isang Strawberry frappe at limang Cappucino, lahat large ang size." Sabi ng isang lalaki na kadadating lang sa cafe. Pinagmasdan ko siya at tiningnan siya sa ulo hanggang paa, hmmm ok naman, gwapo, puti, makinis, at matangkad. Pero mas gwapo lang ako, heheehe.😉


"Ano po ang pangalan niyo?" tanong ng cashier.


"Apollo" sabi ng lalaki.


Ahhh Apollo pala ang pangalan niya. Pinagmasdan ko din ang mga babae sa paligid tumitingin pa din sila sa akin pero yung iba nakatingin sa kanya. 'o sige, ipagpalit niyo lang ako diyan, it's your loss anyway.' Che!


"Gabriel Sage, Gabriel Sage!" sigaw ng isa pang babae sa cashier hawak-hawak niya ang order ko. Tumayo ako at pinuntahan ang cashier at kinuha ito. Paglingon ko sa tabi ko nakita ko siyang nakatingin sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa cashier.


"Excuse me miss, pahingi nga ng tissue." tugon ko sa cashier.


"Ako din miss, para sa mga kasama ko." Sabi ng lalaki sa tabi ko, Apollo yun diba.


"Ok po sir, waww sir and dami niyong mga babaeng kasama." Sabi ko na ba tismosa talaga tong cashier nato.


"Ahh sila, hahahaha kapatid ko ang isa diyan pero yung iba kaibigan ko lang pero yan- " turo niya sa isang payat at puting babae, matangkad din siya, mahaba at medyo kulot ang buhok niya at naka-headphones pa siya, hindi siya tumitingin sa mga lalaking tumitingin sa kanya. 'waw ha, hinigitan pa niya ako sa charisma' "-Siya yung bespren kong babae na palaaway at sobrang 'cold' daig pa niya ang alaska." patuloy niya.


Everything About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon