P R O L O G U E

138 6 1
                                    

MICAELA NEVARA "MICA" POV

Kring~~~kring~~~

Binuksan ko yung mga mata ko sabay abot sa cellphone kong nasa side table. Grabe ah! Ang aga-aga sino namang gagong tumawag sakin! Ka-inis hindi pwede mamaya nalang, gusto kong matulog hahaysss! Chineck ko yung caller ID, at sabi ko na nga ba si APOLLO nanaman. Sinagot ko yung tawag.



"GOOD MORNINGGG!!!! MICAAA"  pa sigaw-sigaw na sabi ni Apollo. "Musta tulog natin diyan, bespren!, nakatulog ka ba ng maay-"



"-Taenna, HINDI AKO NAKATULOG NG MAAYOS KASI NAMAN GINISING MO AKO" putol kong sabi sa kanya. Chineck ko din ang oras sa cellphone ko,



October 26, 5:55 A.M



WHAT ON EARTH 5:55 A.M pa my goodness why did he call me!!? "ALAM MO BANG 5:55 A.M , ba't mo kasi akong ginising ha ano nanaman ang kailangan mo!!??" sigaw ko sa kanya.



"Bespren, chill, may importante tayong meeting ngayon 6 baka nakalimutan mo kaya tinawagan na kita, sa wakas may bagong mission naman tayo kaya halika na sa headquarters natin." Tumatawa pa siya habang sinasabi niya yan



"OO na, oo na sige na" sagot ko sa kanya



"O sige, ba-bye" hindi ko na sya sinagot at in-end call ko na.



Nilagay ko yung cellphone ko sa side-table at pinagmasdan ang kwarto ko, hahayss kailangan ko na talagang linisin to, ang dumi-dumi na. Don't get me wrong, I am a very tidy person pero kasi lagi akong nasa ibang bansa at bihira lang ako umuuwi sa Pilipinas kaya ito parang binagyo ang kwarto ko.



Tumayo na ako at inayos ang kama ko pinulot ko din ang mga papeles, passport at kung ano-ano pa sa sahig at nilagay sa office table ko 'ba't ba kasi nasa sahig itong mga to?' Kinuha ko na din ang towel ko at dumeretso sa cr para maligo. Pagkatapos kong maligo binuksan ko ang walking closet ko,



Yes! IKR! May pa-walking closet pa si girl, kahit mag-isa lang ako hindi naman ako kawawa at mahirap, hindi din ako sobrang mayaman.



Pinili ko na ang damit na susuotin ko simpleng denim jeans lang at pink, long-sleeve na shirt na may 'I'm working b1tch' na text. Hehehe ang ganda ng shirt ko noh. Tinali ko din ang buhok ko sa isang ponytail.



"Saan ko ba nilagay ang necklace ko?" sabi ko habang hinuhukay ko ang jewelry box, isa siyang silver circle dot knot necklace na bigay ni mommy sa akin. Sa wakas nahanap ko na din at sinuot ito, pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng mirror at hinahawakan ang necklace.



"Miss na talaga kita mommy, alam kong mahahanap din kita" matagal nang nawawala si mommy, pagkatapos kasing namatay si daddy dahil sa Stroke kami lang ni mommy palagi, 8 years old lang ako noon at si mommy lang ang nagbabantay sa akin hanggang sa isang umaga paggising ko wala na si mommy hindi ko alam kung nasaan siya, wala din siyang sinabi. Kinupkop ako ng aking Auntie Vash at pinalaki niya ako.


Auntie Vash works at the Special Forces Regiment (Airborne) bilang isang Lieutenant General. May dalawa siyang anak at sila obviously ang mga pinsan ko sina Gianna at Amara, sabay kaming lumaki kaya sobrang close kami pero bihira lang kami nagkikita ngayon.


"TAENNA!!"


6:07 A.M na pala kailangan ko na talgang umalis, patay talaga ako neto. First time akong late ngayon "Bakit ba kasi naisipan nila mag meeting tapos ngayon lang nila ako tatawagan anong akala nila sa akin the flash." Sabi ko sa sarili ko.


Everything About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon