XII: The Pressure

58 4 4
                                    

MICAELA NEVERA "Mica" POV


"WHAT!" sabay nilang sigaw nang kinuwento ko lahat ng nangyari kagabi sa gala.


Nasa loob sila ng kwarto ko at nakikinig sa kwento. Nakaupo sila Danielle, Amy, Jane at Ania sa mini sofa ko sa bandang dulo. Nasa kama naman ako katabi si Apollo na nilalagyan ng bandaid ang sugat ko. Pinupunasan naman ni Athena ang mga natitirang dugo sa kamay ko.


"Walang hiya talaga 'yong Ferdinand BonFelix pati grand nephew na papatulan niya!? Oh my Gosh!" si Ania.


"Gi-atay na!" si Amy.


"Patayin kaya natin 'yon." Dagdag naman ni Danielle.


"Ano na ang plano natin?" tanong ni Jane.


"Wala-" sambit ni Athena.


"WALA!?" sigaw nilang lahat maliban nalang kay Jane na nilakihan lang ang mga mata niya.


"Wala pa." Sabi ni Athena na may halong inis.


"Hindi naman tayo pwedeng kumilos kaagad ng walang sapat na ebidensiya." sabi ko sa kanila. Napakamot nalang sila sa ulo nila.


"Aray!" sigaw ko nang bigla nalang binuhos ni Apollo ang antibiotic ointment sa sugat ko. "Hoy! Ang sakit ah! Ingatan mo kaya." Ani ko. Tiningnan ko ang sugat ko na namumula. Damn it.


"Ako? Magingat? Alam mo pala ang salitang 'ingat' bakit hindi mo iningatan ang sarili mo?" He furrowed his eyebrows and switch his head to the side, like he's challenging me.


"Ang bilis kasi nang nangyari, hindi ko naman napansin na may sugat na pala ako, okay? Hindi ko napansin!" Paliwanag ko. Totoo naman, hindi ko talaga napansin ang sakit. Don ko nalang na realize nang nakita ko na.


"Sorry din sayo kasi hindi ko rin NAPANSIN na binuhos ko pala lahat ng ointment sa sugat mo. HiNdI kO nApAnSiN!"He said sarcastically and rolled his eyes. Sakit as in sobrang sakit. Sobrang hapdi pa, grabe naman ang galit nito ni Apollo. "Aray ate! Ano ba!" bigla nalang si Apollo sumigaw nang tinaponan siya ng towel ni Athena.


"Sorry, hindi ko rin napansin." Kinuha naman niya ang towel kaagad at pinunasan ulit ako na para bang walang nangyari. I tried to stop myself from smiling looking at Apollo na klarong na inis sa nangyayari.


"Pansinin niyo nalang kaya ang beauty ko!"singit ni Ania sabay tayo. Agad namin siya tiningnan ng masama, tinaasan pa siya ng kilay ni Danielle at binalewala lang siya ni Jane. Tumayo nalang siya ng maayos at ngumuso. "Pero seryoso, anong balak natin gawin ngayon. Alam naman natin kung sino ang pakana ng lahat na ito." Dagdag niya with her arms crossed.


True, alam naman talaga namin lahat kung sino ang gumawa ng lahat na ito maliban nalang sa pamilya Sage. Wala silang alam sa nangyayari.

Everything About YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon