Maigi kong pinagmasdan ang labas ng showroom ng aking bagong papasukan na opisina. Nalipat ako sa Calamba branch na aking pinapasukan na car dealership dahil may nakasagutan ako na manager ng ibang department sa head office. Marunong akong gumalang pero kapag alam ko na nasa tama ako at natatapakan na ang pagkatao ko ay marunong din naman akong manindigan sa kung ano ang sa tingin ko ay tama. Sa totoo lang ay ayaw kong lumipat ng branch dahil masaya naman ako sa Makati dahil kasama ko ang mga kaibigan ko. Isa akong accountant sa head office na pinapasukan ko. Pero dahil nga pinagsalitaan ako ng isang manager na iyon over the phone ng hindi maganda. Ayun, bigla kong sinugod ang manager at nakipagsagutan dito. Kaya ang ending, nilipat tuloy ako dito sa Calamba. Mabuti na nga lang at hindi ako natanggal sa trabaho.
Bumuntong hininga na lang ako sabay lakad papunta sa entrance ng showroom.
"Good morning po kuya." Bati ko sa guard na nakaduty.
"Good morning ma'am." Ganting bati nito
"Ako po pala yung galing sa Makati na nalipat po dito." Sabay pakita ng ID.
"Sige po mam, akyat na lang po kayo sa second floor. Sa dulo po ng pasilyo ang HR. Pakihintay na lang po si Ms. Eunice para mai-register kayo sa bundy clock." Sabay ngiti niya sa akin.
"Salamat po." At pumasok na ako sa loob ng gusali.
Habang patungo ako sa hagdan para makaayat sa second floor ay may mga nakikita akong mga kakilala na binabati ako at nginingitian ko din naman sila. May mga kakilala din naman ako dito dahil bukod sa nakakausap ko din sila sa telepono ay nakakasama ko din sila kapag may christmas party sa company namin. Pag-akyat ko sa second ay may biglang tumawag sa akin."Atacia" sabay kaway niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Hi Medz!" Bati ko sa kanya. Siya ang nag-iisang staff sa Credit department na ito. Ngayon ay may makakasama na siya dahil narito na ako. Oo, ako ang makakasama niya simula ngayon dahil bukod sa nalipat ako ng branch ay nalipat din ako ng department.
"Ngayon ka na pala magsisimula." Aniya
"Ahhh, oo kasi minamadali na ni Mam. Racie ang paglipat ko." sagot ko na ang tinutukoy ay ang big boss namin sa head office.
"Mabuti naman. Pupunta ka ba kay Ms. Eunice? Kung gusto mo dito ka muna kasi mamaya pa ang dating niya."
"Sige, kung ok lang?"
"Oo naman noh! Tutal dito ka naman sa amin. Mamili ka na lang sa dalawang table na yan kung saan mo gusto pumuwesto." Sabay turo ng dalawang mesa sa harapan niya.
Pinili ko ang nasa gitnang mesa dahil yung unang mesa ay nasa bungad mismo ng pintuan. Ayoko doon pumuwesto dahil ayokong nadi-distract sa ginagawa tuwing may papasok na tao.
"Atacia, ito nga pala ang department natin. Itong nasa likuran natin ay ang Accounting Department. Yung nasa kanan naman ay ang Purchasing at Admin Department. Tapos, yung nag-iisang kwarto dun sa sulok ay ang ating cashier."
Tumatango tango ako habang pinagmamasdan ang buong floor. Malaki ang pagkakaiba dito kumpara sa head office. Sa head office ay may kanya kanyang kwarto ang bawat departamento, kumbaga may privacy kayo. Hindi katulad dito na divider lang ang pagitan. Kitang kita nyo ang ginagawa at rinig na rinig mo ang pinag-uusapan ng bawat department.
Habang nagmamasid ako ay biglang may umakyat. Tapat nga pala mismo ng hagdan ang pwesto namin kaya kitang kita mo kung sino ang umaakyat baba dito."Hi Ms. Eunice!" Bati dito ni Medz. "Narito po pala si Atacia. Dito ko muna siya pinaghintay habang wala ka."
"Siya ba yung galing Makati?" Tanong nito
"Opo, Atacia po pala." Pakilala ko
" Kamusta! Hindi ka ba nahirapan sa byahe."
"Hindi naman po."
YOU ARE READING
What If
RomanceI wanna stop wondering what if. I wanna know what is. Are you willing to take the risk?