Kabanata 4

10 0 0
                                    

Pauwi na kami ni Hannah at nakasakay na sa jeep ng biglang may tumawag sa akin. Pagtingin ko ay hindi nakaregister ang pangalan sa cellphone ko kaya sinagot ko na lang.

"Hello?" bati ko ng sagutin ko ang cellphone ko. "Hello???" Ulit ko ng hindi ko marinig ang nasa kabilang linya. Tiningnan ko ang monitor ng cellphone ko at nang makita kong hindi pa ibinababa ang tawag ay kinausap ko ulit sya. "Hello, sino to?"

"Hello. Si Atacia ba ito?"

"Opo. Sino po sila?" dagli kong tanong ng hindi ko makilala ang boses.

"Ahhm, si Maurxe ito." sabi nito

"Maurxe?" Di makapaniwalang tanong ko. At nagkatinginan kami ni Hannah ng may pagtataka. "Bakit?" tanong ko dito.

"I just want to make sure na sa iyo nga ang number na ito." sagot nito

"Ahhh. Ok." Wala akong maisip sabihin. Saan naman nya nakuha ang number ko?

"Sige iyon lang. Bye." sabi nito sabay baba ng phone.

Nagtatakang tiningnan ko ang cellphone ko. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ayoko naman mag-assume kasi halos lahat naman ng ahente ay kinukuha ang number namin pero hindi ako nagbibigay ng number ko. Lalo pa at alam ko na puro tungkol lang naman sa work ang itatawag nila o itetext sa akin. Personal number ko ito kaya ayokong may umiistorbo sa akin lalo na kapag off ko sa work.

"Si Maurxe ba iyon, Ms. Atacia?" tanong ni Hannah

"Oo."

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam. Sabi nya gusto lang daw nya malaman if number ko nga daw ito. Hindi ko nga alam kung paano nya nakuha number ko."

"Ahhh, effort. Tapos gusto pa nya masiguro kung sa iyo nga yung binigay na number sa kanya." Nakangiting sabi nito. "Baka naman may gusto din siya sa iyo?" Dugtong pa nito

"Hindi naman siguro. Baka may gusto lang itanong sa application."

"Hmmmm. Pero kinilig ka." Tukso pa nito

"Hindi noh." Nakangiting sabi ko dito. Dahil kung meron man na isang tao ang nakakaalam sa nararamdaman ko. Ito ay si Hannah. Sa ngayon ay siya pa lang ang pinagkakatiwalaan ko sa kung ano ang tunay na nararamdaman ko.

"Aysus, ok lang yan Ms. Atacia. Di ba hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Malay mo siya na ang magiging first BF mo." Mapanuksong saad nito.

"Ayoko muna isipin yan. Kasi puro tuksuhan lang ang mga nangyayari. Baka mamaya nakikisakay lang sya." sabi ko ng biglang nag-vibrate ang phone ko. Nang tingnan ko kung sino ang nagtext ay nakita ko iyong number ni Maurxe.

M: Hi Asia! Nakauwi ka na?

Oh-em-Gee!!! Totoo ba itong nakikita ko?

"Nagtext sya Hannah." At pinakita ko dito ang text.
"Ano sasabihin ko?" Tanong ko dito

"Wow, eh di sabihin mo hindi pa." Kinikilig na sabi nito.

A: Hindi pa? Bakit?

M: Saan ka ba nakatira?

"Tinatanong nya ako kung saan ako nakatira?" Sabi ko ulit kay Hannah.

"Eh di sabihin sa may Sta. Rosa."

"Eh bakit nya tinatanong kung saan ako nakatira?"

"Hay naku, huwag ka na maraming tanong at sagutin mo na lang lahat ng text niya." Natatawang sagot nito. Bata man kesa sa akin si Hannah pero mas may karanasan siya pagdating sa pakikipag-relasyon. Dahil may boyfriend sya ngayon at five years na sila since High School pa daw sila. Kaya sa kanya din ako humihingi ng advice.

What IfWhere stories live. Discover now