Isang buwan na ang nakalipas ngunit hindi ko pa din siya nakikita. Simula ng nagkahiwalay kami ay hindi ko pa siya nakikitang umakyat. Halos araw araw na akong nagbababa ng computation sa Sales pero bigo pa din ako. Sabi ng sekretarya niya ay hindi pa daw siya naka-schedule ng duty sa floor. Pero bakit hindi man lang siya napasok. Gusto ko lang naman magpasalamat dahil siya pala nag rent ng karaoke bar noong birthday ko.
"Atacia, bakit napapansin ko na laging kay Maurxe ang ginagawa mong approval." Sabi ng manager niya nang magpa-receive ako ng computation. Hindi naman siya galit habang sinasabi iyon pero may halos panunukso.
"Boss, nagkataon lang iyan. Alam mo naman kapag maganda ang profile ng client ay mabilis ma-approve." Agad na tanggi ko dito.
"Totoo ba iyan?" Natatawang sabi pa nito.
"Hay naku boss, pirmahan mo na po iyan at magpapapirma pa ako sa ibang grupo." Iwas ko sa tanong niya. Tutal nang-iintriga na naman siya.
Pagkatapos ko magpa-receive ay kinuha ko naman ang mga dokumento na ipo-photocopy ko at dumiretso sa Admin.
Naalala ko yung panahon na lagi niya akong naabutan dito. Hindi lang isang beses nangyari iyon. Pero paiba-iba ang pakikitungo niya. Kapag may mga kasama siya ay ayun na naman siya sa pagdikit sa akin. Nakikisakay sa asaran at tuksuhan. Pero kapag wala ay tahimik lang na uupo at hihintayin akong matapos. 'Tss, kakaiba talaga iyong lalaking iyon. Hindi ko mabasa ang mga kilos'.
Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng bigla itong bumukas. Agad akong napalingon doon nang may pumasok na isang babae. Hindi siya pamilyar sa akin pero base sa suot niya, malamang ay bagong ahente na na naman ito. Pinagmasdan ko siya. Grabe ang ganda niya. Maliit nga lang siya. Matangkad pa ako ng ilang pulgada sa kanya pero sexy. Parang pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
Nang maramdaman niya na nakatingin ako sa kanya ay napatingin din siya sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya naman bahagya din akong ngumiti sa kanya. Maya maya pa ay dire-diretso siya kay Sir Timmy. Hindi ko na narinig ang pinag-usapan nila dahil nag-focus na ako sa ginagawa ko dahil malapit nang umalis ang messager namin. Kailangan kong mapadala ang mga ito.
"Excuse me." Narinig kong sabi niya.
Paglingon ko at nasa akin ang tingin niya. 'Ako ba ang kinakausap niya? Malamang, dahil wala naman ibang tao dito.'
"Yes?" Tanong ko dito
"Pwede ba ako magpaturo kung paano i-fill up itong form for photocopy."
"Ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit kaya siya sa akin nagpapaturo? Pwede naman kay Sir Timmy. "Ahhhm, sure."
"By the way, I'm Linette. Bagong ahente ako ni Boss Jaime." Nakangiting pakilala niya sa akin sabay abot ng kamay.
"Hi. Atacia." maikling pakilala ko. "Nice meeting you." at inabot ko din ang kamay ko sa kanya para makipagkamay. Nang magbitaw kami ng kamay ay tinuruan ko na siya mag-fill out ng request form.
"Ngayon, kailangan mo itong papirmahan sa manager mo then papirmahan mo kay Sir Timmy."
"I see. Maraming salamat."nakangiting sabi niya at nagpaalam na siya para bumaba.
In fairness naman ay mabait siya. Nang nakalabas na siya ay ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.
Lumipas ang bawat oras nang hindi namin namamalayan. Ang dami namin release kaya hindi kami magkandaugaga sa aming ginagawa. Malamang overtime na naman ang kalalabasan namin dito.
Ilang oras pa ang lumipas ng makita na lang namin na may dalang pagkain ang mga ahente.
"Mam Maggie, mag dinner po muna kayo." sabi ng ahente
YOU ARE READING
What If
RomanceI wanna stop wondering what if. I wanna know what is. Are you willing to take the risk?