"Hi! Magpapareceive ako ng application" Napa-angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses na iyon. At di nga ako nagkamali dahil si Maurxe ang nagtanong.
"Kay Ms. Atacia mo ipa-receive." Baling sa akin ni Hannah. Lumapit sa akin si Maurxe para ipa-receive ang mga application ng mga kliyente niya. Isa isa kong pinirmahan ang mga receiving copy.
"Kailan ko malalaman ang status?" tanong niya
"Two to thr..." napahinto akong magsalita dahil pag-angat ko ng ulo ay hindi pala ako ang tinatanong nya, kundi si Hannah.
"Ha?" gulat na tanong ni Hannah, sabay tingin sa akin na para bang nanghihingi ng saklolo. Tinanguan ko lang lang sya, giving her the sign na sagutin nya ang tanong. "Two to three days." sagot nya.
"Ok, can I ask you for the status, Hannah?" tanong nito ulit kay Hannah.
"Yes you can ask her the status that she will probably ask on me because I am the one who's in-charge with it." Hindi na ako nakatiis dahil naiinis ako sa inaasal niya. Alam na nga niya na ako ang may hawak ng application pero sa iba pa sya magtatanong ng status.
Napatingin sya sa akin at nakakaloko na namang ngumisi and tiningnan ako from head to foot.
Aba at antipatikong ito.
"At ito na copy mo." at iniabot na sa kanya ang mga appli at lumabas na ako para magtungo sa CR.
"Napakayabang, antipatiko, akala mo kung sino. Gwapo ka lang noh pero wala kang pinagkaiba sa ibang mga ahente. Naku, naku, naku." Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Medz.
"Oh, nangyari sa iyo? Bakit parang G na G ka diyan?"
"Wala, naiinis lang ako dun sa bagong ahente ni Boss Jerry. Napakayabang umasta. Tapos akala mo hindi ako nag-e-exist sa room kung makapagtanong kay Hannah."patuloy pa din ako naghuhugas ng kamay. "Oh, bakit?" takang tanong ko dahil nakita kong nakatitig lang siya sa akin.
"Sino doon? Ang dami dami niyang bagong ahente noh."
"Yung Maurxe."
"Ahhh, yung kabulungan mo noong isang araw? Oh, eh ano naman ginawa sa iyo?"
"Nakakainis kasi umasta, akala mo ikinagwapo nya yon."
"Wow, affected much teh? Paano ba sya umasta aber?"
"Nagpareceive kasi ng appli tapos nagtatanong sya kung ilang araw magkakaroon ng status. Noong sasagot ako, hindi pala ako ang tinatanong kundi si Hannah. Tapos tinatanong din si Hannah kung pwede ba daw sa kanya mag follow up. Eh alam naman nya na ako ang may handle noon tapos sa iba pa sya magtatanong." Gigil na gigil kong kwento
"Bakit ka affected?"
"Kasi nga..."
"Crush mo noh?" Putol nito sa sasabihin ko
Hindi ako nakapagsalita.
"Anong pinagsasasabi mo diyan. Hindi ko crush iyon noh. Halika na nga at bumalik na nga tayo doon at maraming release."
"Kasi naman, wala ka naman pakialam kung kanino magtanong ang mga ahente ng status." At naglakad na kami pabalik. "Pero alam mo may chemistry kayong dalawa. The first time ko kayong nakitang nagbubulungan noong isang araw. Ay sus, para akong nanonood ng telenovela."
"Ang O.A. mo naman sa telenovela. Tsaka di ko crush yon noh."
"Hindi nga ba?"
Huminto ako sa pagpasok ng pintuan namin at biglang humarap sa kanya. "Hindi ko nga siya crush. Gustong i-crash pwede pa. Antipatiko." At ikinuyom ko pa ang mga palad ko na akala mo talagang siya ang pinipiga ko doon.
YOU ARE READING
What If
RomanceI wanna stop wondering what if. I wanna know what is. Are you willing to take the risk?