"Happy Birthday!!!" Malakas na pagbati ang bumungad sa akin pagpasok ko sa opisina.
Nakita kong may malaking banner na nakasabit sa bandang lamesa ko. Isa iyong pinagdugtong-dugtong na bond paper para lang mabuo ang Happy Birthday na banner na may kasama pang picture ko. Napangiti ako sa nakita ko. Maya maya ay lumapit sa akin sina Medz at Hannah at humalik sa pisngi ko.
"Maraming Salamat sa inyong dalawa." Nakangiting sabi ko sa kanila. "Naku ha! Paano ninyo nagawa itong banner ng hindi ko nakikita?" Sabi ko sa kanila.
"Siyempre, humingi kami ng tulong sa kembel mo. Dahil hindi ka naman madalas nagagawi sa kanila. Kaya sila ang gumawa niyan." Masayang sabi ni Medz.
"Tsaka, sabi ni Medz first birthday mo daw ito dito Ms. Atacia kaya hindi pwedeng walang preparation." Sabi naman ni Hannah.
"Wow, na touch naman ako. Sobrang appreciated ko ito. Maraming salamat talaga." Masayang sabi ko.
Maya maya pa ay medyo naging busy kami dahil sa mga releases. Halos lahat ng pumapanhik na ahente ay binabati ako.
"Happy Birthday." Napatingala ako sa divider sa tabi ko ng marinig ko ang pagbati. Nang makita kong si Jordan iyon ay lumaki ang aking pagkakangiti.
"Salamat" at bigla siyang may nilabas na isang long stem white rose at iniabot ito sa akin.
"For you" aniya.
"Naks naman. Alam mo pa pala ang favorite flower ko." Inabot ko sa kanya ang rosas at agad inamoy ito.
"Siyempre naman. Makakalimutan ko ba naman yun."
"Wow, iba din talaga ang friend ko. May pa long stem pang nalalaman." Hindi ko maisawan matawa kay Medz.
"Bakit hindi mo pa nilubos yan Jordan." Sabi naman ni Hannah. "Sana ay isang bouquet ang binigay mo?"
"Hindi kasi siya mahilig sa bouquet. Mas gusto niya ng isang long stem lang." Sabi ni Jordan.
Well, well, well. Ito na ba ang start ng panliligaw mo kay Atacia? Nanunudyong saad ni Medz na ikinatawa namin dalawa ni Jordan.
"Kayo talaga, birthday na birthday ni Shasha, tinutukso niyo pa din." Ani Jordan
"Para tinatanong lang naman."
"Hindi pa. Pero pasasaan ba at darating din tayo diyan sa takdang panahon." Sabi ni Jordan kaya bigla ko syang nilakihan ng mata para patigilin siya.
"Oh siya, bababa muna ako dahil may kliyente ako. Tsaka pinanlalakihan na ako ng mata ng birthday girl. Baka hindi asikasuhin ang release ko." Natatawang sabi ni Jordan.
"Kung ano ano kasi sinasabi mo diyan." Sabi ko dito. "Mamaya umakyat ka dito at may konti akong handa." Habol kong sabi sa kanya bago pa siya makalayo.
"Yes naman mam." At sumaludo pa siya sa akin bago tuluyang umalis.
"Alam mo day, iba din naman ang karisma mo eh noh. Maarteng singit ni Jarel. Isa siya sa mga coordinator namin sa banko. May mga kanya kanya kasi kaming coordinator ng mga banko na naka-assign sa bawat dealer at isa na siya doon. Isa din siyang pamin kung tawagin. 'Pamin' as in paminta. Ang tawag sa mga baklang lalaki pa din ang itsura. Sila yung mga hindi nagdadamit babae at nagkikilos babae pero kapag nakasalamuha mo ay maarte pa sa iyo. "Tingnan mo naman, hindi naman 'ganders' pero habulin ng mga gwapo." Dugtong pa nito.
"Oy, maganda kaya si Atacia." Kontra dito ni Medz.
"Maganda nga kasi tingnan mo naman ang mga nagpapapansin. Dalawa sa mga pinakagwapong ahente lang naman ninyo." Pang-o-okray nito.
YOU ARE READING
What If
RomanceI wanna stop wondering what if. I wanna know what is. Are you willing to take the risk?