Kabanata 5

9 0 0
                                    

Author's Note:

Hi beautiful people! Sorry at kailangan kong palitan ang pangalan ko dahil may kapareho ako. My official name now is Lezziel G., you can pronounce it at Liziel G. Bakit iyan ang naisip ko at spelling? Para may uniqueness and it is something na special at may kinalaman na sa akin. I hope you like it guys.

Back to the novel:
Dahil umabot kayo sa kabanatang ito ng libro, siguro ay nagustuhan nyo din ang takbo ng kwento. Pasensya na kayo kung hindi pa pulido ang pagkakasulat ko dahil it's my first time magsulat. Kung meron kayong mga gustong sabihin sa akin na makakapagpabuti ng aking nobela. Feel free to comment. Salamat ng marami!!!



Ang aga-aga ay nasa admin office na ako dahil natambakan kami ng mga documents na ipho-photocopy. Dalawang araw na kasing sira ang aming photocopy machine. Kailangan ko itong matapos ngayon para maipadala na agad sa mga banko. 

Mag-isa lang ako dito sa admin at busy sa pag photocopy ng bigla kong maramdaman na may kamay na humawak sa aking baywang. Nagulat ako at biglang napaigtad at akmang sasampalin kung sino man ang humawak pero mabilis siyang nakailag sa akin.

"Woah! napaka-bayolente mo naman." natatawang sabi nito na walang iba kung hindi si Maurxe.

"Ikaw na naman. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na huwag mong gagawin iyon lalo na kapag maraming tao." 

"Bakit? Ano bang ginawa ko. Hinawakan lang naman kita sa baywang ah." natatawang sabi niya

"Hinawakan lang? LANG???" di makapaniwalang sabi ko sa kanya. "Paano kung may makakita sa ginagawa mo?" inis na sabi ko sa kanya.

"What's wrong with that?" nakangising tanong niya at umupo sa sofa.

"Anong what's wrong with that? Baka mamaya kung ano ang isipin ng makakakita sa atin."

"Bakit? Ano bang pwede nilang isipin?"

Hindi ko malaman kung nang-iinis ba siya o ano. Alam ko naman na alam niya ang ibig kong sabihin na baka mapagkamalan pa kaming may relasyon dahil sa ginagawa niya. 

"Basta, ayoko ng hinahawakan mo ako." naiinis na sabi ko dito at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

"Wala ba sila Sir Timmy?" maya maya ay tanong nito sa akin

"Nakikita mo ba siya dito? Hindi di ba? So, ibig sabihin wala siya. Tsaka lunch break baka kumakain iyon." masungit na sabi ko dito pero sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil kaming dalawa lang ang naririto sa kwarto.

"Ok. Nagtatanong lang. Ang init naman yata ng ulo mo?"

"Busy kasi ako. Kailangan ko itong tapusin bago umalis ang messanger natin. Tsaka, ano ba ginagawa mo dito."

"Magpo-photocopy din ako ng appli, kaya lang wala pa si Sir Timmy kaya hintayin ko na lang muna siya."

"Wala ka bang ibang gagawin sa baba? Baka matagalan iyon." sabi ko habang nakatalikod pa din dito. Baka kasi magtagal pa ito dito. Kailangan pa kasi nila magbigay ng request kung ilan ang ipo-photocopy dahil accountable yun sa Sales Department at kailangan ng approval ni Sir Timmy.

"Bakit parang ayaw mo ako dito?" at nagtaasan ang  buhok ko sa may batok ng maramdaman ko ang hininga niya. Naka-pony tail pa naman ako kaya ramdam ramdam ko ang hangin mula sa kanya. 

Hindi ako nakakilos agad. Ang puso ko ay hindi ko na naman masuheto. Hindi ko alam kung saan ba ito pinaglihi at hindi ko nararamdaman kapag lumalapit sa akin. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin sa ganoong posisyon namin. Naramdaman kong itinaas niya ang kanang kamay at itinuon iyon sa photocopy machine. Doon ako nakakuha ng tyempo at mabilis na umikot pakaliwa para makawala sa kanya at pumunta sa table ni Sir Timmy at kunwari ay may kukunin.

What IfWhere stories live. Discover now