Part 3

14 1 0
                                    

Bianca's POV

Natagpuan ko ang aking sarili sa isang park. Dito ako ibinaba ng taxi'ng nasakyan ko. Dahil walking distance nalang naman daw ang village na hinahanap ko.

Wala siyang sticker para makapasok sa village na yun. Kaya wala akong choice kundi ang bumaba. Bago ako nagdesisyong pumunta sa village na iyon, ay nagpalipas muna ko ng ilang oras sa parkeng iyon.

Maaliwalas, tahimik, at payapa ang parke. Wala gaanong tao kaya naman nakakarelax talaga.

Ang sarap sa pakiramdam..

Nasabi ko sa isip ko.

Naiinis ako dahil pinapunta ako dito ni mommy! Ayokong mag stay dito sa Pilipinas.. hays

Napaupo ako sa isang bench na naroon at kinuha ang bubble gum sa bulsa ng aking black coat at nginuya.

Nang hindi ko na malasahan ang bubble gum na iyon ay agad kong itinapon iyon sa damuhan ng walang lingunan.

Toink!

"What the!!" Sigaw ng lalaking hindi ko alam kung nasaan.

Agad kong iginala ang aking paningin para hanapin ang pinanggalingan ng boses ng lalaking iyon. At nanlaki na lamang ang aking mga mata ng makitang nakakunot ang noo nito, salubong na salubong ang mga kilay at napakasamang nakatingin sa akin habang nakakrus ang mga braso.

"Bakit mo ko binato?" Sigaw nito.

Nakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko ipinahalata. "Sorry.. I didn't me to.. hindi ko alam na may tao dyan." Pagtataray ko.

"Ha! Bulag kaba o sadyang malabo ang mata mo? Ang laki laki ko di mo ko nakita? Ginagago mo ba ako?"

"I already told you.. hindi ko alam na may tao dyan."

"Sinong niloko mo?" Nakangising aniya

"Kung ayaw mong maniwala.. hindi ko na problema yun!" Singhal ko at agad tumayo at akmang tatalikuran siya ngunit mabilis niyang nahawakan ang braso ko at muling iniharap sa kanya.

"Where are you going?"

"I'm leaving.. wala ko sa mood para makipagtalo sayo." Nagbaba ako ng tingin.

"Ha! Ayos ka din e no?" Singhal niya

Bumuntong hininga muna ako. "Look, hindi ko talaga sinasadya. I'm really sorry." Sinserong ani ko.

"Well, miss I'm sorry.. but sorry is not enough for me." Nakangising aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "So, what do you want me to do then? Kneel down?" Sarkastikong tugon ko.

"Kiss me." Seryosong aniya dahilan para manlaki ang mata ko at takang tumingin dito.

Ano? Gago ba to?

"What? Kiss you? Gago ka ba?" Sigaw ko.

Ngumisi muna sya sakin. "Wala kong panahon para manggago!"

"Pwes! Wala rin akong panahon para sa kamanyakan mo!"

"Wow! Ikaw na tong nakaisturbo ikaw pa tong galit? Hahahaha!" Natatawang aniya.

"Nagsorry na nga ko diba? Hindi ko sinasadya yun!"

"Sinabi ko na sayong hindi sapat ang sorry mo." Nakangiting aniya

"Pwede ba! Tigilan mo ko!" At agad akong tumalikod ngunit muli akong hinawakan nito.

"Pinakaayaw ko sa lahat ay yung tinatalikuran ako habang kinakausap ko!"

Ex in ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon