Part 2

15 1 0
                                    

MIR's POV

Agad kong ibinaba ang telepono at hindi na inantay ang sasabihin ni Fallon. Masyado akong napagod ngayong araw na ito. Bago ako pumunta sa birthday party niya ay galing pa akong trabaho. Kinakailangan ko ding makauwi agad upang maibalik ang white suit ng kapatid ko. Tiyak mayayari na naman ako pag nalaman niyang pinakeelaman ko ang gamit niya higit sa lahat ang white suit niya. Yun ang pinaka paborito nya sa lahat. Mabilis kong ipinarada ang aking kotse at dahan dahang pumasok sa bahay. Ala una na ng madaling araw kaya naman natitiyak kong tulog na ang lahat.

Madali kong natungo ang pinto ng kwarto ko. Agad kong binuksan ito at in-on ang switch ng ilaw ngunit laking gulat ko ng makitang nakasalubong ang dalawang kilay na nakatingin ng diretso sakin si Wren.

Fvck! I'm dead! >.<

"Where have you been?" Seryosong aniya na pinagkrus pa ang mga braso.

"Oh! Wren? What are you doing here?" Nagugulat na tanong ko.

"Ako ang unang nagtanong.. tapos sasagutin mo ng tanong? Naglolokohan ba tayo dito?"sarkastikong tugon nito.

"Debut ni Fallon.. girlfriend ko.. you know her, right?"

"Yes. I know her." Walang ganang aniya.

"I see. So, tell me. Anong ginagawa mo dito? Sa kwarto ko?"

"Naghihintay. Isn't obvious?" Sarkastikong aniya.

"May kwarto ka. Bakit di ka don maghintay? At sino namang inaantay mo?" Inis na tanong ko ngunit nginisian lamang ako nito.

"Nasa kwarto moko. Malamang! Ikaw ang hinihintay ko? Alangan namang antayin ko si ate Zai Rinn dito? Tss." Pilosopong sagot naman niya.

"E bakit nga inaantay moko?

"Bakit nga ba?" Aniya habang ngumingisi at umiiling sa harap ko.

"Pwede ba Wren! Wala akong oras para makipaglokohan sayo!" Sigaw ko dito pero di man lang nagbago ang reaksyon nya. "Oh? Ano? Kung di ka sasagot pede ba umalis ka sa harap ko! Umalis ka sa kwarto ko!! Wag mong sagarin ang pasensya ko dahil wala ako sa wisyo ngayon!!!" Mas malakas na sigaw ko dahilan para magising ang lahat ng tao sa bahay. Naramdaman ko ang mga yabag na papalapit sa kwarto ko.

"Mir! Wren! What the hell is going on here??" Sigaw ni Ate Zai Rinn. Sa tono ng boses nito ay mahihimigan mo ang galit.

Kingina!

"I think.. mas tamang si Mir ang sumagot niyang tanong mo ate Zai." Si wren.

"Mga anak? Ano ba ito?" Si mom.

"E kasi yang si Wren! Nasa kwarto ko. Tinatanong ko ng maayos kung anong ginagawa nya dito ang sabi niya hinihintay ako.. tinanong ko kung bakit? Ang sabi niya lang bakit nga ba?? Sinong di mayayamot dyan!!! Kingina!! Pagod ako! Tapos ganyan pa dadatnan ko!!!" Pabulyaw kong sagot. Hindi ko na napigil ang inis ko sa puntong ito naiinis ako dahil pagod naman talaga ako. Tsk.

"Wren? Ano nga bang kailangan mo sa kuya mo?" Si mom ulit.

"Mm.. well, I was looking for my white suit." Malumanay na tugon nito dahilan para mapatitig ako sa kanya.

"Your looking for your suit? E bakit sa kwarto ni Mir?" Nagtatakang tanong naman ni ate Zai Rinn habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Wren.

"Wren? Can you please explain to us what's going on??" Si dad.

"He used it. That's why I'm waiting here dad. Galing sya sa debut ni Fallon. Yung girlfriend niya. Kilala nyo naman yun diba? kinuha nya ang white suit ko sa kwarto ko ng walang paalam. Pumasok sya sa kwarto ko ng walang paalam. Invasion of privacy. Tsk. Umiiling na tugon nito. "Sa tingin ko.. ako ung mas may karapatan para magalit diba dad? Marami akong suit. Pwede naman syang manghiram sakin.. I'll allow him. But not that one!" Sigaw ni wren habang nakaturo sa suot kong white suit dahilan para matigilan ako at mayuko.

Ex in ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon