Part 11

7 0 0
                                    

Fallon's POV

Bumalik ako sa silid matapos akong iwan ni Bianca. Ramdam kong nasaktan siya sa kaniyang nakita. Kung sa akin man mangyari ang bagay na 'yon ay natitiyak kong hindi ko kakayanin.

Pero sino ang babaeng kahalikan ni Wren?

Inililigpit ko na ang gamit ko ng makita si Wren na lumapit sa akin.

"Where's Erin?"

Takang nilingon ko ito. "Umalis na siya. Hindi ko alam kung saan nagpunta."

"Umalis? Bakit umalis?" Nagtataka ring tanong niya.

"Bakit hindi mo pa ba nakita?"

Kumunot ang noo nito. "Nakita ang alin?"

"You mean wala ka pang alam?"

Nakita ko ang pagsalubong ng mga kilay nito. "Ano bang pinagsasabi mo?" Inis na aniya.

So, hindi niya pa nga nakikita.

Imbes na sagutin ay iniabot ko ang aking telepono rito. "Oh!"

"Anong gagawin ko dyan?"

"See for yourself.."

Tinignan niya iyon at nagulat sa nakita. "What the fvck!" Singhal nito.

Bumuntong hininga ako. "She saw that.. kalat na kalat na sa social media yang litratong yan. Yan ang dahilan kung bakit umalis si Erin ng walang paalam."

"Fvck shit!" Galit na aniya, at sinuntok pa ang table ko. Pabatong ibinalik niya ang telepono ko at mabilis na tinalikuran ako.

Babaero! Tss

Dumiretso ako sa locker room upang ibalik ang mga gamit ko ng mag ring ang telepono ko.

"Love.." masayang bungad ko rito. "Nasa parking na ako. I'll wait you here." Aniya at binaba ang telepono.

Tila kiti-kiti akong hindi mapakali at nagmadaling pumunta ng parking lot.

Nang makarating ako roon ay natanawan ko na si Mir nasa loob siya ng kotse niya, naghihintay.

Pumasok ako doon at humalik sa kaniya. "Kanina kapa?" Tanong ko rito.

"Kakarating ko lang din." May kinuha siya sa likurang upuan. "Here."

Bugkos ng bulaklak.

Hindi ko mapigilang mapangiti. "Aaah.. ang sweet naman ng boyfriend ko." At lumapit ako upang yakapin ito.

"Sabi ko naman sayo diba? Babawi ako. So, tara na? Kumain na muna tayo."

"Sige."

Pinaandar na niya ang kotse at mabilis na tinungo ang isang restaurant. Nang makarating kami roon ay agad din siyang umorder para sa amin.

Nagulat naman ako sa dami ng inilapag na pagkain sa table namin. "Whoa.. ang dami naman nito Love? Anong okasyon?"

Natawa ito. "Kailangan bang may okasyon para kumain ng marami? Haha. Gutom na gutom ako love e."

Nginitian ko lamang ito at nagsimula na kaming kumain. Ilang oras din ang itinagal namin bago naubos ang mga inorder niyang pagkain. Busog na busog kaming parehas.

Nanatili pa kami ng ilang sandali doon bago umalis. Binabaybay namin ang daan patungo sa kung saan. "Where are we going, Love?"

"Somewhere.. malalaman mo rin." Nakangiting aniya.

Ex in ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon