Part 9

6 1 0
                                    

Fallon's POV

Ramdam ko ang pagiging matamlay ko nang maupo sa aking upuan. Ilang araw na kong di mapakali. Ramdam ko ang panlalamig ni Mir sa akin. Tinignan ko ang telepono ko ngunit wala parin itong text man lang. Napabuntong hininga na lamang ako.

Hindi mo na ba ako mahal?

Nalungkot ako sa naisip kong iyon. Dumaan ang ilang sandali na tila tulala lang ako at malalim ang iniisip. Hindi ko pinapansin ang maiingay kong kaklase, nakatingin lamang ako sa may bintana at nakapangalumbaba nang matanaw ko ang isang pamilyar na mukha.

Wren?

Anong ginagawa niya dito?

Nanlaki ang mga mata ko, batid kong hindi lang ako ang nakatingin sa kaniya. Agad naglapitan ang mga kaklase ko sa gawi nito.

"OMG! Si Wren!"

"Bakit nandito sya? Hindi naman ito ang building ng Engineering ah?"

"Baka nandito siya para sakin."

"In your dreams sis! Hahaha"

Bulungan ng mga kaklase ko. Marami ang nahuhumaling kay Wren, dahil bukod sa napakatalino ay napakagwapo nito. Gwapo rin si Mir ngunit mas malakas ang dating nitong kapatid niya.

Naging crush ko rin si Wren ng una ko itong makita, ngunit dahil sa cold personality nito ay tila unti-unting nawala iyon. Samantalang si Mir, kabaligtaran ni Wren.

"Oh, my! Who's that girl?"

"Don't tell me??"

"No way!!!"

Nagulat ako sa mga narinig ko kaya agad akong napatayo at tinignan kung sino ang babaeng tinutukoy ng mga ito.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may ka-holding hands si Wren na babae. Magandang babae.

Kelan pa siya nagkaroon ng girlfriend?

At sino ang babaeng 'yon?

Ngayon ko lang siya nakita..

Agad kaming nagsipasukan ang mga kaklase ko ng matanawan ang aming guro na kasabayang naglalakad nila Wren patungo sa aming silid.

"Goodmorning class." Bati ni miss sa amin.

"Goodmorning Miss."

"Oh, by the way.. may bago kayong magiging classmate. Transferee siya." Bumaling ito dun sa babae, agad bumitaw yung babae dun sa pagkakahawak sa kamay ni Wren.

"Hi.. goodmorning.. I'm Bianca Serinna Fernandez." Nahihiyang aniya, tumungo pa ito sa amin.

"Miss, please take good care of my 'girl." Biglang singit ni Wren.

Nagulat kaming lahat sa narinig.

His girl?

Girlfriend niya nga yan?

"Don't worry Mr. Pascual, I'll take care of her." Nakangiting tugon ni Miss.

Agad na bumaling si Wren dun sa Bianca. "Dadaanan kita dito mamayang lunch. Wait for me here, okay?" Nakangiting aniya ni Wren, ngumiti din ito sa kaniya. "Okay. Hihintayin kita dito."

Lumapit si Wren dito at mas ikinagulat namin ang sumunod na pangyayari.

Hinalikan ni Wren yung Bianca sa labi.

Hinalikan ni Wren yung Bianca sa harap mismo namin!

O M G !

"Hala!!"

Ex in ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon