Part 6

7 1 0
                                    

Bianca's POV

Tila wala parin sa sarili akong napaupo sa kama, yumuko sa aking tuhod at niyakap ang mga binti na parang bata. Pilit inaalis sa isip ang mga nangyari ngunit kahit ano ang aking gawin ay nananatili iyong tumatakbo sa aking isipan.

Hindi ko parin maintindihan kung bakit nangyari ang bagay na iyon. Panay ang pagtulo ng luha sa aking mga namumugtong mata.

Ubos na ubos ang lakas ko. Ubos na ubos ako. Diring diri ako sa sarili ko. Ano ba ang nagawa ko at kinailangang maranasan ko ang bagay na 'to?

Pilit kong kinekwestiyon ang aking sarili dahil sa pagiging pabaya nito. Gusto kong magwala ngunit hindi nito mababago ang katotohanan. Nakuha na niya yung bagay na pinakaiingatan ko..

Sa isang iglap nangyari ang bagay na hindi ko kailanman inasahan. Lalo akong humagulgol ng iyak sa naisip ngunit agad natigilan ng maramdaman ang kamay na umaalo sa aking likuran. Napaamang ako ng mag-angat ng tingin.

Wren..

Basang basa ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha lalo na sa kaniyang mata. Tila hinaplos ang aking puso sa kaniyang ginawa. Ang kaninang halo-halong emosyon ng galit, sakit, pagsisisi, panghihinayang, panlulumo, pagkabalisa, at pagdurusa ay mabilis na napalitan ng kapayapaan. Paano mo nagagawang pakalmahin ang buong sistema ko ng ganito? at sa ganitong sitwasyon?

Gusto kong itanong ang mga ito sa kaniya upang malaman ang kaniyang magiging sagot pero wala akong lakas na sambitin ang mga ito sa kaniya. Hiyang hiya ako.

Bigla kong naalala ang mga nangyari nung magpunta ako sa kaniyang kwarto. Ang paghawak niya sa aking braso, ang pagyakap ko sa kaniya na agad niyang tinugunan, ang matinding pag-aalalang nabasa ko sa kaniyang mga mata, ang mabilis niyang pagsugod sa lalaking gumawa nito sa akin, ang pagsapak niya rito ng paulit-ulit, ang matinding galit na nararamdaman nito, at ang pag-aalong ginagawa niya ngayon.

Bakit nga ba ginagawa mo ang mga ito?

Bakit ganyan ka nalang mag-alala sa akin?

Ibang iba ang Wren na nasa harap ko sa Wren na unang nakita ko. Ang dating seryoso, cold at walang paking emosyon niya ngayon ay napalitan ng matinding pag-aalala, galit, at lungkot.

Nahihiya akong nagbaba ng tingin dito. Hindi ko kayang labanan ang mga titig niyang iyon. Wala akong mukhang maihaharap sa lahat ng taong narito lalo na sa taong ito..

Una palang ay humanga na ako sa pisikal na katangian nito, at mas tumindi ang paghangang iyon sa mga bagay na ginawa niya kanina para sa akin.

Pakiramdam ko pag siya ang kasama ko, ligtas ako. Pakiramdam ko pag siya ang nasa tabi ko, hinding hindi ako kailanman mapapahamak sa kahit na sino.

Naramdam ko ang pag init ng aking pisngi. Kaya mas naiyuko ko ang aking mukha.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at naramdaman ang paghinto ng mga kamay niyang umaalo sa aking likuran. "Alam kong hindi magiging madali ang nangyari sayo.. alam ko rin na wala ako sa sitwasyon para sabihin ang mga bagay na to." Agad kong naiangat ang pagtingin dito. Kitang kita ang sinseridad sa kaniyang mga mata habang binibitawan ang mga salitang iyon. "Alam ko at ramdam ko ang galit at hinanakit dyan sa puso mo.. pero gusto ko lang humingi ng isang pabor sayo.." aniya kaya naman binigyan ko siya nang nagtatanong na tingin. Mas tumitig ito sa akin. "Maaari bang wag kanang iiyak sa harap ko?" Awtomatikong kumunot ang noo ko. "Ayokong nakikita kang umiiyak ng ganito dahil hindi ko alam ang gagawin ko.. hindi ko alam kung paano ko aalisin ang galit at sakit na nararamdaman mo.."

Tila hinaplos na naman ang aking puso sa mga sinabi niya.

"I'm really sorry Erin dahil naranasan mo ito sa mismong bahay namin. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa kapabayaan namin.." bumuntong hininga ito at seryosong tumingin sakin. "Pero wag kang mag-alala.. hinding hindi ko na hahayaang makalapit muli sayo ang kapatid ko." Tila kuminang ang mga mata nito sa paningin ko matapos sabihin iyon. "Kung kinakailangang bente kwatro oras kitang bantayan gagawin ko para masigurong ligtas ka. Kung kinakailangang bente kwatro oras ako sa tabi mo ay gagawin ko para lang masiguro kong wala ng babastos ng ganito sayo." Dagdag nito.

Ex in ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon