Part 8

6 1 0
                                    

Wren's POV

Kinabukasan . . .

"I can't say that I love you the way you do.. but trust me, 'I really like you'.. alam kong mas mamahalin kita higit pa sa inaasahan ko."

Muli kong naalala ang mga huling salitang nasabi ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga salitang lumabas ng kusa sa bibig ko. Hindi pa man ako lubusang sigurado sa nararamdaman ko, alam kong bukal sa loob ko ang mga binitawang salita ko rito.

Alam kong nakakabigla ang nangyari sa pagitan naming dalawa. Alam kong parehas naming hindi inaasahan ang bagay na iyon.

Ngayon lang kami nagkita at nagkakilala pero pakiramdam ko kilalang-kilala ko na siya. Hindi ko alam kung bakit iba ang pakiramdam ko pag kasama siya. Hindi ko alam kung bakit may kakaibang saya ang idinudulot niya sa aking sistema. Hindi ko rin alam kung bakit ibinigay ko ng walang pag-aalinlangan ang sarili sa kaniya.

Tanging alam ko lang ay 'gusto ko siya'..

Pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha, at awtomatiko akong napapangiti sa aking nakikita. Ang kaniyang makapal na kilay, ang maganda niyang mata mahabang pilik-mata, ang matangos niyang ilong, ang dimples niyang napakacute, ang mamula-mula niyang mga pisngi, at ang manipis at napakapula niyang labi na tila tinatawag ako upang sunggaban ito.

Marahan kong hinalikan ang kaniyang labi, punong-puno ng sinseridad at respeto. "Goodmorning." Bungad ko dito nang may ngiti sa labi.

Ngumiti rin ito. "Goodmorning malko."

Malko?

Kumunot ng bahagya ang noo ko. Tinignan ko ito ng may pagtataka. Ang totoo ay di ko naintindihan ang 'malko' na sinambit niya.

Ano ba 'yon?

"Malko.. short for 'mahal ko." Aniya na tila nabasa ang nasa isip ko, nandon ang diin sa huling sinabi nito. Mas lumawak ang pagkakangiti niya. "Yan na ang tawag ko sayo. Malko.. I love you." Dagdag niya at siniil ang labi ko.

Bumangon ito at nagpumauna sa banyo upang maligo, ng matapos ito ay ako naman ang sumunod. Nang makatapos kami sa pagligo at pag-asikaso ay lumapit ako dito at muling binigyan ito ng matamis na halik sa labi.

Napangiti ito sa aking ginawa. "Let's go. Kumain na tayo." Anyaya ko dito, nilahad ko ang kamay ko at agad din niya iyong hinawakan.

Lumabas kami ng kwarto ng magkahawak-kamay. Nang nasa harap na kami ng hapag-kainan ay agad natuon ang atensyon ng lahat sa amin, lalo na sa magkahawak na kamay namin.

"Goodmorning son, Erin." Si dad.

"Goodmorning Wren anak.. Erin.. come here." Si mom.

"Goodmorning." Si ate Zai.

Tumango lamang kami ni Erin. Hahawakan na sana siya ni mom upang paupuin ito sa bakanteng upuan na nasa kaniyang tabi, ngunit awtomatikong kumilos ang aking kamay upang hilahin ito. Ayokong maupo siya roon dahil makakatabi niya si Mir.

"Wren?" Tila nagulat na aniya ni Mom dahil sa pagkakahila ko kay Erin.

"Dito siya uupo. 'Sa tabi ko." Pagdidiin ko sa sinabi ko.

Bakas ang gulat sa mga mata nila maliban kay Mir na ngumi-ngisi sa sandaling ito.

Inalalayan ko si Erin upang maupo. "Thankyou." Nginitian ko ito at naupo sa tabi niya. Nagulat naman ako ng bigla niya akong lagyan ng pagkain sa aking plato. Tinignan ko ito. "Kumain ka ng marami.." bakas ang saya niya sa kaniyang ginagawa.

Ex in ExchangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon