Chapter 25: Day 7 part 2
"Wow! Naka-van talaga tayo? Magpipicnic ba tayo?" -Lianne
"Kapag naka-van magpipicnic agad?" -Carl
"Ah~ eh di maiiwan ka!" Sabi ni Lianne sabay pasok sa van at sara ng pinto
"Doon ka na lang sa gulong Carl" Sabi naman ni Andrew sabay pasok at sara ng pinto sa kabilang side
"T-teka lang! Babe naman! Bukasan mo 'tong pinto" -Carl
"Ganyan ba kayo tuwing magkakasama kayo?" Tanong ni Vince habang pinapanood namin si Carl mula sa labas na panay ang katok at pilit binubuksan yung pinto ng van
"Oo at masasanay ka di-- anong nangyari dyan sa labi mo?"
"May lumipad hindi ko naiwasan. Tara na" Tsaka siya ngalakad papunta sa van "Lianne open the door aalis na tayo"
"May lumipad at hindi mo naiwasan? Ano yung lumipad?"
"Secret walang clue"
Minsan nakakainis din kausap ang isang 'to eh. Nakasakay na kaming lahat ng mapansin ko na may ibang tao sa loob ng sasakyan
"Hmm? Kasama mo pala si Manong. Hindi ikaw ang magmamaneho?"
"Oo nga Vincent akala ko ikaw ang magmamaneho? Di ba gustong gusto mo magdrive?" -Lianne
"Gusto niyo ba ng music or should I play a movie?" Pag-iiba ng topic ni Vince. Magtatanong pa sana si Lianne pero pinigilan ko na lang. Halatang ayaw niyang pag-usapan
Sinimulan ng magmaneho ni Manong kung saaan man kami pupunta hindi ko talaga alam. Ang sabi lang ni Vince mag-eenjoy daw kami. Bigla kong naalala lahat ng nangyari kahapon. Naalala ko yung mga sinabi ni Mateo. Kung paano niya binitawan yung mga salitang sinabi niya. Kung gaano siya kagalit habang sinasabi niya yun. Kung gaano niya pinigilang umiyak
"Alam mo bang muntik ng mawala yung nag-iisang tao na meron ako dahil sa arogante mong lolo? Hindi ka makahinga? Dapat lang! Para maranasan mo ang hirap na nararanasan ng dad ko!. Buti nga ikaw hindi lang makahinga eh! Yung dad ko humihinga pero lantang gulay!"
Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Yung takot na sa isang iglap pwedeng mawala yung taong mahal mo. Yung inis at galit na wala kang magawa sa mga nangyayari. Yung kulang na lang isumpa mo ang mundo dahil hindi mo alam kung ano bang nagawa mong masama para maranasan lahat ng nararanasan mo. Na sa dami ng tao bakit ikaw? Yung wala kang magawa kundi ang sisihin ang sarili mo
Naiintindihan ko yung part na yun because I've been there. I know exactly how painful it is. Pero yung part na sinisisi niya lahat kay lolo? Hindi ko maintindihan. Naaksidente ang dad ni Mateo. Car accident. And that was something a person can't control right? Ay Shomai! Ewan!!!
BINABASA MO ANG
Point of no return
RomanceNo turning back Even if it hurts Even if you want You should go ahead Because you already reached the point of no return *** *** *** *** *** *** *** All characters, their names and backgrounds and even the happenings ay pawang imagination lamang fro...