Chapter 22: Day 5 part 2

141 3 0
                                    

Chapter 22: Day 5 part 2

"Eh kasi..."

 

"Hep!!!!!!!!!" Sigaw ko

"Magtatanongtanong ka tapos aawat-awat ka"

 

"Ha.Ha" Sarcastic kong sabi

Ang daming pumapasok sa isip ko. Bakit sa tuwing kailangan ko ng tulong eh siya ang laging dumadating? Bakit kapag napapahamak ako eh siya yung nagliligtas? Bakit kapag may problema ako siya lagi yung nandyan? Bakit kapag nalulungkot ako nagagagawa niya akong mapasaya? Bakit siya?

Hindi naman sa ayaw ko pero natatakot ako. Natatakot na baka sa susunod hindi lang yan yung abutin niya. Na baka mas malala pa sa susunod?. Na mapahamak siya ng dahil sa akin? Hindi ko alam pero kapag may nangyari sa kanya at ako ang dahilan kakayanin ko ba?

Chloe! Ano yang pinagsasasabi mo? Wahh!!! Kasi kahit naman hindi kami nagkakasundo kaibigan ko naman yan! Tama kaibigan lang! Friend! Period!

"Hoy! Nicole!"

 

"Ano?"

 

"Kanina pa ako tawag ng tawag sayo!"

 

"Ano na naman?"

Abala 'to! Nag-iisip ako eh!

"Paabot yung tubig"

  

"May paa ka, maglakad ka. May kamay ka, kunin mo mag-isa"

 

"Five days contract"

Huh? Contract? Anong contract?

"Pinagsasasabi mo?"

 

"Slave contract"

Nakalimutan ko na yun ah

Eh since wala naman akong choice kinuha ko na yung baso at nilagyan ng tubig para maibot sa kanya pero nung iaabot ko na nilayo ko ulit

"Pinagtritripan mo ba ako?" Naiinis niyang sabi

"Ikaw pa talaga naiinis? Ikaw na nag-uutos eh!"

"Akin na yan"

Pilit niyang inaabot yung baso pero nilalayo ko ahahaha

Point of no returnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon