Chapter 21: Day 5 part 1
Blah Blah Blah Blah Blah
Wala akong maintindihan sa sinasabi ng doctor eh kasi hindi ko naman iniintindi! Ang gusto ko lang naman eh makaalis sa lugar na ito at matanggal tong dextrose sa kamay ko. Ayoko talaga ng karayom T.T
Tinawag ko ba siyang Andrew kagabi?! Just the word Andrew?! Tinatawag ko naman siya sa name niya pero full name. Eh kagabi? Andrew lang talaga?! Totoo?! Seryoso?! Whaaa!!! Tapos may yakap pang naganap? Niyakap ko siya diba? Chloe may yakap pa talaga?! Chloe!!! Wahhh!!!! Bakit?!!!! Wala na akong mukhang ihaharap sa mr. sungit na yun! Sigurado tadtad ako ng pang-aasar ng taong yun (>_<) Hindi na lang sana ako nabuhay...ay joke lang! Pero...wahhh!!!! Ottokaji? (What to do?)
"Nic...Chloe nakinig ka ba sa mga sinabi ng doctor kanina?"
"Hindi. Nasaan na pala yung doctor? Papatanggal ko tong dextrose. Dito pa ako mamamatay eh T.T"
"Hindi ka talaga nakinig? Alam mo ba kung bakit umalis yung doctor? Tatawagan niya ang lolo mo! Lagot ka!"
"Eh di tawagan niya! Lianne yung dextrose >.<"
"Yan pa rin iniintindi mo? Ah ewan sayo"
"Eh kasi naman kahit malaman ni lolo ang nangyari hindi yon uuwi dito dahil lang naospital ako"
Tinignan niya lang ako bago umupo sa sofa
"Chloe bakit bumalik ka pa dito sa Piipinas? Hindi naman sa ayaw ko. Masayang masaya nga ako na bumalik ka eh pero curious lang ako"
Daig ko pang nabaril sa tanong ni Lianne. Bakit nga ba ulit? Naalala ko yung nakilala kong matandang babae nung pumunta kami sa farm
"Nahanap mo na ang hinahanap mo. Bukod sa taong yun nahanap ka na rin ng taong matagal ng hinihintay ang pagbabalik mo. Magdadala ng kapamahakan ngunit sila ring magliligtas. Parehong magbubuwis ng buhay para sayong kapakanan. Tibay lang ng loob kakayanin mo yan" Bulong ko
"Chloe anong sinasabi mo? Hindi ko marinig"
"Huh? W--wala naman akong sinasabi eh"
Totoo kaya yung mga sinabi nung matanda? Bumalik ako dito kasi alam ko may kailangan akong hanapin pero hindi ko alam kung bagay o tao yun o kung bakit ko yun kailangan hanapin. Basta pakiramdam ko lang may kulang at yun ang kukumpleto. Pero sino pa yung isang tao na tinutukoy nung matanda?
"Hoy! Chloe ayos ka lang? Sorry kung nagtanong ako"
BINABASA MO ANG
Point of no return
RomansaNo turning back Even if it hurts Even if you want You should go ahead Because you already reached the point of no return *** *** *** *** *** *** *** All characters, their names and backgrounds and even the happenings ay pawang imagination lamang fro...