Chapter 20: Day 4

185 2 0
                                    

Chapter 20: Day 4

*** *** *** *** *** *** ***

Andrew's POV

"Andrew? Andrew! Andrew!!! Buksan mo 'tong pinto!!!"

Nung una kumakatok lang, ngayon may balak pa atang

"Andrew! Binuksan mo rin!"

 

"Anong problema mo Carl? Sisirain mo ba yung pinto?"

"Hah…hah…may problema…nawawala…sumama ka na lang!" Sabay hawak at hila sa braso ko

"Kailan pa ako naging tagahanap ng nawawala?" Sabay hawak ko sa pinto. Isasara ko na sana

"Drew! Si…hah…hah…hah" napahawak siya sa tuhod niya

"Huminga ka nga muna. Parang ewan ka eh" Sabi ko

"Si Chloe nawawala!!! Tara na!"

"Bakit ngayon mo lang sinabi!" Batukan ko nga

"Aray ah! Ikaw kaya tumakbo at umakyat simula baba hanggang dito!" Paliwanag niya habang nasa elevator kami

"Carl anong gamit ng elevator?"

 

"Ang tagal kasi nung elevator kanina"

Si Chloe nawawala? Paano?

Paglabas ng hotel nakaabang na yung kotse ni Tita at sumakay na kami agad. Yung driver pala ng bus yung nagdrive ng kotse. Akala ko kasama niya si Tita

"Carl ipaliwanag mo nga!"

 

"Eto na nga eh. Saglit lang!" Tapos huminga siya ng malalim

"Diba ang sched ngayon eh pumunta sa mga historical places then ang last destination sa parang adventure park. May gubat dun na allowed puntahan kasi may mga guide na sign kaso yung journalism club one hour na hindi pa nakakabalik. Nahanap yung iba pero si Lianne at Chloe hanggang ngayon hindi pa"

Babaeng yon talaga walang sense of direction. Halos isang oras din yun byahe. Pagdating namin nilapitan agad ako ni Tita

"Andrew! Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko magpahinga ka lang?"

Point of no returnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon