STELL
Kasalukuyan kaming nakaupo ni Sejun ngayon sa isang cafe. Ewan ko ba naman kase sa kanya at napaka-moody niya. Buti nga natitiis siya ni Reign nung sila pa noon ni Reign. Well, i guess ganun talaga pag nagmamahal ka. Kahit moody or magalitin man yan, kung mahal mo yung tao edi tatanggapin mo yung pagkatao niya.
Aaminin kong nainis ako kay Reign sa ginawa niya kay Sejun. Nakita ko kung paano naging malungkot 'tong taong 'to. Halos di makakain at di makatulog buhat nang ako'y 'yong lokohin. Charot HAHAHA. Pero ayun nung nalaman ko yung dahilan niya, hindi ko mapigilang maawa sa kanya.
Saka isa pa, hindi ko maimagine na lolokohin ni Reign si Sejun. Hindi naman sa kinakampihan ko siya pero sobrang open kase na tao ni Reign noon. Halos ituring niya na kaming kapatid noon kaya sobrang laki ng tiwala kong aalagaan niya si Sejun.
On the other hand, naiintindihan ko na kung bakit siya nagdesisyong makipag-break kay Sejun. Minsan tinatanong ko nga yun kung bakit napaka-selfless niyang tao. Mas inuuna niya pa yung kapakanan ng iba kesa sa sarili niya. Kaya gusto kong this time, maging masaya sila parehas. Atleast naipaglaban namin silang dalawa kung ito man ang huling pagkakataon.
Gusto kong maging masaya si Reign after all of her sacrifices.
"Hoy! Nakikinig ka ba?" Muntik pa akong mapatalon sa gulat nang sumigaw si Sejun. Napaka-moody talaga.
"Anak ng tokwa, John Paulo! Wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya ka talagang hakdog ka" saway ko sa kanya.
"Kanina pa ako nagsasalita tapos hindi ka nakikinig. Nagsasayang lang ako ng laway" wika niya at inirapan pa ako. Anak ng nanay mo, pigilan niyo ako at kahit tropa ko 'to tatanggalan ko ng eyeballs 'to.
"Hindi ka mauubusan ng laway, John Paulo. I-consume mo yan bago mapanis" tugon ko sa kanya.
Nakita kong pumasok ng cafe sila Josh at Reign. Napangisi naman ako sa kanila. Kinindatan naman ako ni Josh. Let's get ready to rumble!!
"Tulala ka na naman. Sino ba tinitignan mo?" Reklamo niya dahil hindi ko siya iniimik. Tumingin din siya sa direksyon ako kung saan ako nakatingin at ang kumag natahimik.
Bijj, magdusa ka sa kamanhidan mo.
Napatingin ako sa kamay niyang bahagyang nahampas ang table. Napangisi ako ng nakita kong nakayukom ito.
I-deny mo pa, John Paulo. Hinding hindi ako maniniwala sa lahat ng sasabihin mo.
"Josh!" Sigaw ko sa kanila dahilan para mapatingin silang dalawa samin.
"Stell? Anong ginagawa niyo dito?" Patay malisyang sabi ni Josh. Ngumiti ako at sumagot.
"Niyaya ko lang lumabas si Sejun. Lamog na sa apartment niya eh" nakita kong napatawa din si Reign habang itong hakdog na 'to, nagpipigil na ata ng galit HAHAHAHAHA.
"Dito na kayo sumabay" yaya ko sa kanila.
"Maupo ka na dyan, Reign. Anong gusto mo?" Tanong ni Josh. Mukhang kinakareer ni Josh 'tong plano ko ah.
"Kahit ano. Kung ano na lang yung sayo, ganun din akin" nakangiting sabi nito kay Josh. Tumango ito at naglakad na papunta sa counter.
"Musta ka naman, Reign? Malapit na yung sembreak ah" nginitian naman niya ako.
"Oo nga eh. May plano ka?" Tanong niya.
"Actually naiiisip ko sanang dalawin yung tita ko sa Pangasinan. May bagong business kase siya. Saka close ko kase yung tita ko na yun" ngumiti naman siya bago ako muling tinanong.
"Wow. Anong business?"
"Resort. Gusto ko din sana kayong isama. Kauuwi lang din kase ni Ate Pau" nakita ko pang nanlaki ang mata niya at gulat akong tinanong.
"Nandito na si Ate Pau? Waaaah! Kaya pala nag-comment siya sa post ko dati" napalingon ako ng kaunti kay Sejun at nakayukom na din ang kamay niya. Tukmol ka talaga, John Paulo.
"Reign oh. Kumain ka muna" sabi ni Josh at saka ibinigay kay Reign yung order niya kuno. At itong isa 'tong nasa tabi, parang handa na makipag-bakbakan. Tss. Deny pa more, John Paulo.
Napangisi na lang ako nang subuan ni Josh ng inorder nitong fries si Reign. Sandaling tinignan ni Reign si Josh na parang nagtataka at saka sinubo rin ang fries.
Tama yan, Josh. Tama yan.
Halos mapatalon kaming tatlo nang may narinig kaming bumagsak. Nakita kong nakapatong ang kamay ni Sejun sa table habang nakayukom mukhang hinampas niya yung table sa galit niya
"Sejun!" Tawag ko sa kanya pero dire-diretso lang siyang umalis at iniwan kaming tatlo.
Ngayon ka mag-deny sakin, John Paulo
TO BE CONTINUED..
BINABASA MO ANG
❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Why are you still denying that you need her?❞ ➳ In which John Paulo Nase keeps on denying that he still loves her ex-girlfriend ➤ John Paulo Nase x Reader ♡𝐞𝐬𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #5♡ [𝚜𝚘𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚖𝚎𝚍𝚒𝚊...