➷forty-eight

771 35 3
                                    

REIGN

"Saan ka galing?" Seryosong tanong sakin ni Sejun at nakaupo pa sa sofa niya.

"H-ha? D'yan lang" sagot ko at iniwas ang tingin ko sa kanya

"Reign, saan ka galing?" Mas ma-awtoridad na tanong niya sakin. I felt more nervous sa tono ng boses niya. Iba ang takot ko sa kanya kesa kay Tito. Taena, please save me.

"H-hindi mo naman kailangan alamin" sabi ko habang nakaiwas parin ang tingin sa kanya.

"Reign!" Halos mapatalon ako ng tumaas na ang tono ng boses niya. Malakas na rin ang kabog ng puso ko, hindi sa kilig at saya kundi sa kaba at takot.

"Alam mo ba kung anong oras na?! Ni hindi ka man lang nagpaalam sakin! Paano pag may nangyaring masama sayo ha?! Hindi ka nagi-isip! Malamang ako ang sisisihin ni Tita kapag nawala ka!" para bang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko at nadurog ang puso ko.

Hindi naman talaga siya concern sayo, Reign. Concern siya na baka sisihin siya ng mama mo pag nawala ka. Bakit ka ba kase umaasa?!

"Parang awa mo naman, Reign! As long as dito ka nakatira, obligasyon mo ding magsabi sakin!" Napayuko na lang ako. Ayokong makita niyang paiyak na ako. Ayoko, ayokong makita niyang mahina ako.

"Galing ako kila Josh. Isa pa, hindi mo naman ako obligasyon eh. Gagawin ko kung anong gusto ko at kung saan ako pupunta. Kung inaalala mo si Mama, nagpapaalam ako sa kanya. You don't have to blame me" kalmadong sabi ko at nanatiling nakayuko parin. Alam kong naririnig niyang paiyak na ang boses ko but still, I wanted to be strong in front of him. Ayokong kaawaan niya ako.

"Reign naman! Don't be so hard headed!" napaangat ang tingin ko sa kanya at kitang kita kong inis at galit na siya.

"And don't pretend na concerned ka, Sejun. Gaya ng sabi ko, hindi mo ako obligasyon. Kaya pwede ba? Wag mo na akong pahirapan!" sabi ko hindi ako iiyak pero pucha, tumulo na naman yung luha ko at nakikita niya ako.

"Wag mo na akong pahirapan please. I'm doing this for the both of us. Kaya please, don't do this again" kase the more na nagiging ganito siya, the more na mas nagkakaroon ako ng pag-asa at umaasa ako sa fact na baka mahal niya ako kahit hindi naman talaga.

Iniwan ko na siya at nagsimulang maglakad papunta sa kwarto niya. I locked the door at saka doon umiyak. Nagpatugtog ako ng music para hindi niya marinig na umiiyak ako.

Ang hirap pala ng ganito. Minsan naiisip kong, tama bang bumalik ako? Tama bang mag-stay parin ako sa tabi niya kahit wala na talaga?

Sana maging maayos na ako. Sana maka-move on na ako. Cause I am really trying. Nililibang ko yung sarili ko para makalimutan ko na siya. Eh kaso pag uuwi naman ako, makikita ko siya at mababaliwala na naman lahat. I hate this feeling.


TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon