➷sixty-two

858 29 23
                                    

THIRD PERSON'S

"Goodnight guys!" sigaw ni Pauline sa lahat. Matutulog silang lahat sa sala dahil medyo kalakihan naman ito. Pinatay na ni Stell ang ilaw bago humiga.

Magkatabi si Mila, Pauline, at Reign habang ang lima naman ay sa kabilang side ng sala. Mabilis na nakatulog ang lahat maliban lang kay Reign. She was really sleepy pero hindi niya alam sa sarili kung bakit buhay na buhay ang utak niya at hindi niya magawang matulog ng mahimbing gaya nila Justin.

Bumaling siya sa kabilang side niya. Pinagiisipan niya na rin ang pagsama niya sa mama niya sa Manila. Para samahan ang mama niya at syempre kalimutan ang lahat para makapag-simula siyang muli.

"Arghh!" Mahinang daing nito at saka ginulo ang buhok nang makatayo siya. Umiiling-iling itong tumayo at saka nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.

Nakakadalawang baso na ito nang tubig at ramdam niya ang pagbigat ng tiyan niya. Medyo nakapagpa-relax din ito sa buong katawan niya. Sasalin na sana siya nang makita niyang papalapit din sa refrigerator si Sejun kaya naman nagkanda-tapon tapon ang sinalin nitong tubig sa pagmamadali.

"Hey Reign, ayos ka lang?" Tanong ni Sejun sa kanya. Napayuko na lang ito dahil ayaw niyang tignan ang binatang nasa harap niya. Pakiramdam niya ay unti-unting namumula ang pisngi nito kasabay nito ang malakas na pag-tibok ng puso niya.

Inilapag ni Reign ang baso at pitsel sa lababo at saka balak sanang lagpasan si Sejun. Ngunit nakalimutan ata nito na basa ang sahig kaya't malalampasan na sana niya ang binata kung hindi lang ito nadulas dahil sa tubig. Napapikit na lamang ito at hindi na alam ang susunod pang nangyari.

"R-reign" mas lalong nagwala ang puso nito nang marinig niya sa malapitan ang malalim na boses ni Sejun.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mata at nakita ang ilang pulgadang layo ng kanilang mukha. Napatigil ito nang muling makita ang facial features ng binata sa malapitan.

He was still handsome as ever. Feeling niya ay nagsisimula na namang gumuho ang pag-asang binuo niya.

"A-are you okay?" Sejun asked and the reason why Reign came back to her senses again.

"S-sorry" wika ni Reign at saka mabilis na tumayo. Akmang aalis na ito when Sejun pulled her back.

"S-sejun, anong g-ginagawa mo" nauutal na tanong nito. She actually felt so awkward kaya naman hindi niya maiwasan ang pag-utal. Hindi na siya sanay magsalita pag si Sejun ang nasa harap niya. Para bang nawala lahat ng confidence niya kapag kausap niya ito.

"Reign, I'm sorry" then there, she finally met his eyes. Kahit pa medyo madilim ang paligid ay alam niyang nakatitig sa kanya ang binata na mas nagpa-awkward ng pakiramdam niya.

"Hahaha. No need. Hindi mo naman kasalanan. Sige, tulog na ako. Goodnight" mabilis na sabi niya. Makakahinga na sana muli siya ng maluwag nang hilain na naman siya ni Sejun pabalik

"Are you avoiding me? Ilang linggo ka ng ganyan. May ginawa ba akong mali?" Gusto niyang sigawan ito at sabihing Oo ngunit hindi niya kayang gawin iyon.

"No. Sino nagsabing iniiwasan kita? Busy lang talaga ako hehehe" sabi nito at awkward na tumawa. For the 3rd time, aalis na sana muli ito nang pigilan siya ng salitang sinabi ng binata.

"I miss you"

She felt weak when he said that. Eto na nga ba ang sinasabi niya. Hope is slowly developing on her heart. Bago pa tuluyang mabuo muli ito sa puso niya ay lumakad na siya pabalik sa higaan niya at mabilis na nagkunwaring tulog.

Her heart is beating more faster now. She hates to deny it pero siguro dahil ito sa tuwa. Iba ang impact ng salitang iyon sa kanya. She shrugged of her thoughts at saka nagdesisyon matulog ng tuluyan.

Sa kabilang banda, lumakad pabalik sa higaan nila si Sejun. His heart was also beating more faster than before. Hindi niya inaasahan ang sinabi niya pero ito siguro tlaaga ang nararamdaman niya habang wala si Reign.

He stared at her slowly sleeping peacefully. Napangiti na lang muli ito. He doesn't want to admit it. Natatakot siyang malaman kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman niya para sa dalaga.

He was still confused. He still needs time.

"Goodnight" nakangiting sabi nito at nanatili ang mata nito kay Reign.


TO BE CONTINUED..

❛Deny❜ ┇SB19's Sejun✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon