FA 6

100 8 2
                                        

Tracey's POV

Maaga akong gumising ngayon dahil pupunta pa ako sa MSHS para tingnan kung nakapasa ba ako sa entrance exam. Mabuti na yong maaga kaysa sa makipagsiksikan ka don. Baka kung ano pang mangyari. Naligo na ako at ng bihis ng komportableng dress ko.

"Dad, Mom? Punta na po ako sa MSHS! Bye!" Sigaw ko sa kanila sa living room. Nandoon siguro sila ngayon sa kusina kaya sumigaw na lang ako.

Pagdating ko sa school, grabe siguro naisip din nilang maging maaga para hindi magsiksikan kasi ang daming nang tao eh ang aga-aga pa naman hay.

"Tracey! Huy, Tracey!" Lumingon-lingon ako para makita kung sinong tumatawag sa akin, yon pala si Kc lang. Kahit kailan talaga ang ingay nitong babaeng to.

"Oh ano? Bakit ang ingay mo na naman? Hindi ka ba nahihiya? Grabe oh! Ang daming nakatingin sayo! Hindi ka pa talaga nagbabago! Hay!" Sabi ko sa kanya with a very disappointed face. Wala akong trip eh. Nag-pout naman siya sa akin at napa face palm nalang ako. Kailan talaga.

"Grabe ka Tracey. Eh ganito naman talaga ako eh! Bakit ka nagagalit? HA? Hindi ka pa ba nasanay?"

"Hahahaha! Joke lang yon! Syempre sanay na ako sa bunganga mo. Kaya tama na yang iyak-iyak mo. Hindi bagay hahaha."

"Sanay naman pala eh.Sus!" Bumusangot ng todo ang mukha niya sa sinabi ko.

"Huy, bakit mo pala ako tinawag? At ang lakas pa?"

"Ayy! Oo nga pala! Tracey! Pasok tayong dalawa sa entrance exam! Yehey, pasok tayo hahaha!" Sigaw niya, at sabay pa talon-talon pa.

Pero wait, tama ba yong narinig ko? Pasok ako? Whut?

"Talaga? Pasok ako? Hindi ka naman nag bibiro no? Sure ka?"

"Oo nga! Tingnan mo pa dun sa bulletin board." Hindi ko na pinatapos siya sa pagsasalita at tumakbo na sa may bulletin board.

"HuyTracey! Hintay nga!"

Hindi ko pinansin si Kc at nagpatuloy sa pagtatakbo. Hinanap ko agad ang name ko at.. nandon nga! OMG! Pasok ako! Yes! Pasok ako! Grabe hindi ako makapaniwala! Hinanap ko ang isang pang pangalan at nandon nga. Buti naman naka pasok rin siya.

"YES! Kc pasok ako!" Sabi ko at pasikretong ngingiti ngiti.

"Huy Tracey, kahit kailan talaga. Yang feelings mo i-express mo naman yan. Napakahiyain talaga. Maganda naman, at matalino pa" hinigit ko nalang siya bago may masabi pang ano-ano.

Lumakad na kami ni Kc papalayo don sa bulletin board. Ang dami pa kasing tao eh, ang init pa naman ng panahon ngayon.

"Grabe kawawa naman ang mga hindi naka pasa. Kitang-kita mo talaga sa mukha nila ang pagka-dismaya." Sabi ni Kc. madami-dami din kasing umiiyak eh. Kawawa naman sila. Kung ako siguro hindi nakapasa. Naku! Siguro iiyak rin ako!

"Oo nga eh. Pero marami pa namang magagandang schools diyan. At may nasabi din yung friend ng cousin ko na once daw na hindi ka maka pasa eh, may chance ka parin na maka pasok basta matataas yung grades mo. May pag-asa pa sila." Tumango-tango pa ako at nagpatuloy sa palalakad.

"Tara na nga. Dahil nakapasa tayong dalawa, manlilibre ako." Aba himala naman talaga ito, oo. Hindi nanglilibre itong babaeng ito eh.

"Hala! Anong nakain mo ngayong araw at naisipan mong manlibre."

"-_- Sige kung ayaw mo, edi wag. Itu, ililibre na nga lang manlalait pa." Tinuturo pa talaga niya ko. Hahaha, nakakatawa lang yong expression niya.

"Huy, eto naman. Joke lang. Tara, san mo ba ako ililibre ha?"

"Tara sa starbucks, may naipon rin naman ako hahahaha."

___

Ang bango talaga dito sa starbucks. Pagpasok mo pa lang, maaamoy mo na ang kape. Kaya gusto ko magstandby dito eh. Kaso lang mahal dito. Eh wala akong pera ngayon eh.

"Oh Tracey, anong sayo?"

"Kahit ano lang, ikaw bahala."

"Sige, ikaw nagsabi niyan ha baka hindi mo magustuhan ang i-oorder ko para sayo."

"Sus, sure akong magugustuhan ko yan."

Pagkatapos mag-order ni Kc, kumain na kami. Tahimik lang kaming kumakain. Pero siguro hindi gusto ni Kc ang katahimikan kaya binasag niya.

"Huy Tracey, kumusta kayo ni Spark?"

Natigilan ako sa tanong ni Kc. Kumusta kami? Hanggang ngayon, hindi parin kami nag-uusap. Hindi ko alam kung anong nanyari sa kanya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Hindi ko namalayan lumalayo na kami sa isat-isa.

"Uhm, Kc, pwede iba na lang ang pag-usapan natin? Hindi ko kasi gusto siyang pag-usapan eh."

"Huh? Bakit may nangyari ba?"

"Wala, uhm hindi ko lang gusto pag-usapan." Parang nawala agad yong gana ko.

"Uh okay, sabi mo eh." Humigop si Kc sa kanyang inumin. Pero pagkatapos nun ay wala ng nagsalita.

Nagtataka siguro kayo bakit sila magkakilala. Si Spark po ay famous kaya obviously, makikilala at kilala siya ng students from different school at, palagi din silang nagkakakita-kita sa mga contests. Oo kami din, di ako top student pero magaling din naman ako sa academics, may nalalaman din. Pero mahirap eh, kaya di ako nakakasali sa mga extra curricular, isa sa mga rason na hindi ako naka sali sa top. Si Kc, galing siya sa isang science elementary school, so matalino din to. Top notcher kaya yan, number 8, si Spark naman syempre nasa top 2 at ako top 15 ang layo.

"Tara na Tracey, uwi na tayo. Dumidilim na. Delikado pag gabi na" pinunasan ni Kc ang labi niya at tumayo na.

"Okay"

Lutang ako. Ewan, wala akong pakialam. Sakit sa ulo.

Hinigit ako ni Kc palabas ng Starbucks at nagpara ng dyep, sumakay kami sa front seat.

Hindi kami nag-iimikan, nafeel siguro ni Kc ang pag iba ng mood ko kaya hindi na ako umimik pa lalo. Di rin yun yung attitude ko eh.

--------

Ilang araw na rin ang nagdaan simula nong pumunta ako sa school para sa results, pero wala parin. Hindi pa rin siya nagpaparamdam. Hindi nagpapakita, at kahit text mn lang.

Ngayong araw nato, magsisimula na ang bagong kabanata ng aking buhay. Magsisimula na ang pag mature ko. Kung sino ako at ano dapat ako.

Nag open muna ako ng facebook account ko, maaga pa naman alas 4 pa ng umaga. Daily routine ko na kasing maaga gumising, ewan basta gigising at gigising talaga ako kapag alas 4 o alas 3 ng umaga.

Ng iniscroll down ko yung notifications ko ay mag nagcomment:

Kaye Alcantara gandaaaa ;)

Napangiti nalang ako sa kinauupuan ko. People now a days! Hays. Pero sa pangalan nang nagcomment di siya gaanong ka familiar sa ako so inopen ko yung profile niya at pag tingin ko maganda siya ah, at based sa mga posts niya eh, parehas kami ng school na papasukan at ka batch lang kami. Wow! Kaya nagcomment ako pabalik sa Dp ko sa fb dun kasi siya nagcomment.

Nagiiscroll down ako para ma view yung latest posts ng friends ko, ng nay mag pop up sa gilid kung nasaan nandoon yung chatbox.

Kaye Alcantara

Parehas pala tayo ng school ;)) Hi!

Hahaha. As what I thought!

I replied, Oo ;) Hello din!

Kaye Alcantara

Sige, mauna na ako. Friend na tayo ha. Ps: ang ganda mo. ;)

Ako

Hehehe. Ah ako rin, maglalog out na. Sige salamat ;) ikaw rin naman maganda!

Pagkatapos ng chitchat na iyon ay nilog out ko na ang facebook account ko at lumabas na ng kwarto ko. Nagpaalam kay mama at papa pagkakita sa kanila. At tumungo na sa school.

"Its now or never" I thought

Forever and Always (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon