Spark's POV
*Tringgg*
*Tringgg*
*Tringgg*
Ang ingay naman
"Hoooooooo" umupo ako sa kama ko at nag unat-unat. Napagod ako sa pag-aaral kagabi. Aysh!
"Anak, bumangon kana diyan, 1st day ng school mo, tas nandyan ka pa diyan nakalatay" bumungad bigla sa harapan ko si mama.
"Wow ma parang patay lang ganon?" Sabay bangon ko sa kama, at naghanda nang mga damit or should I say uniform ko.
"Eh tulo laway ka pa anak, tapos naka bika ka pa."
"Namaaaan maaa. *kamot sa batok* cge po maliligo na po ako" dali-dali na akong pumunta sa Cr malelate na kasi ako. Di ko gustong mapahiya, baka ano pang sabihin nila sa akin. Di ko gustong pinaguusapan ako. Kasi Simple lang naman ang gusto ko. Simpleng buhay at simpleng tulad mo.
Wohooo. Tapos na akong maligo, at nagmamadali akong lumabas sa cr.
"Naku! Ang sakit! Potek!" Nadulas ba naman ako! Ay naku buhay ba naman oh. Masakit din yon oh.
"Hoy anak, halika na, kumain ka na at ihahatid ka nalang daw nang daddy mo" sigaw ni mom na nasa baba, nagluluto siguro iyon, kaya pagkatapos kung magbihis at magprepare lahat lahat ay bumaba na ako, kumain at pumunta sa kotse namin.
"Oh, hi dad" binuksan ko ang passenger seat ng sasakyan at umupo.
"Hello son, I'm so handsome, right?"
"No you're not dad. *laughs*
"What?!" Gulat kuno na pasigaw na sabi ni dad.
"Hoy anak kong gwapo, sabihin mong gwapo ako, kapag nagtatanong ako, pero alam kong sikat ako, kaya maraming nagtatanong tungkol sa akin kaya sabihin mong gwapo ako. Galing ka sa akin. Galing sa SPERM CELLS ko" pinagdiinan pa talaga ni dad ang salitang sperm cells. Ewan ko ba pero ang kulit talaga nang tatay ko.
"Ewan ko sayo anak, basta gwapo ako" inirapan ako at nagdrive na si dad. Tumawa naman ako sa ginawa niya. Loko-loko talaga itong tatay ko. Hahaha
"Oh anak, nandito na tayo sa school mo baba na"
"Opo tay" sabay iiiling-iling. Lalakad na sana ako ng sumigaw si dad.
"Hoy Spark, wag mangchicks may Tracey ka na!" Nakakahiya. Late na nga ako, gumawa pa talaga ng eksena ang loko kong tatay naku!
Napapailing nalang akong naglalakad papasok ng gate sa school, malayo layo rin kasi yung lobby ng freshmen, nasa dulo daw sabi nong map ng school. Hahahahaha
Tracey's POV
Pagkababa ng pagkababa ko talaga sa sasakyan namin ay sinalubong agad ako ni Kc at may kasamaaa siya... Pero yung kasama niya nasa may likuran lang niya. Nakasunod.
"Hoy Tracey halika na." Hinila ako ni Kc at dinala sa mahinhing naka sunod sa kanya kanina.
"Hoy ikaw Kc, nakakahiya ka talaga. Tsk! Sumisigaw ka na naman eh" pabulong kong sabi at tinaggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ay na bata ito.
"Tracey si Kaye, Kaye si Tracey, sige shake hands kayo dali" hinila pareho ni kc ang kamay ko at kamay ni Kaye daw at pinag shake hands kami. Naiiling nalanh kaming dalawa. Nahihiya pareho.
Nang nagkangitian kaming dalawa ni Kaye kuno, nang may biglang nahagip ang mga mata ko. Siya... Wala nang iba... Siyaaaa nga si...
"Teka lang ha" pagkasabi ko non sa kanila ni Kc ay humarap ako sa kanilan pero pagka harap ko ulit wala na siya. Letche!

BINABASA MO ANG
Forever and Always (Taglish)
Fiksi RemajaLife is unfair. Life is not based on fiction. Life is cruel, and so is LOVE... LOVE can bring out the worst and best in you, yan ang sabi nila. LIFE and LOVE have its ups and downs, but during that downs, paano kung magsawa na siya? Paano kung ayaw...