Spark's POV
Matapos ang pag-uusap namin ni Tracey ay napagdesisyonan ko nang sundan si Tracey kung saan mn siya mag-aaral ngayong high school. Sasabihin ko ngayon kay mommy na mag-aaral ako kung saan mag-aaral si Tracey. Kahit na umayaw siya pipilitin ko pa rin siya.
"Mom, can we talk?" Sabi ko sa kanya, habang siya ay abalang-abala sa kanyang paper works. Nandito kami ngayon sa office niya. Lawyer siya. Workaholic si mama. Minsan hindi na kami nakakapag-bonding pamilya dahil sa busy sina dalawa ni pops . Pero kahit ganun, masaya parin naman kami.
"Sure anak. What is it about?" Nakatingin parin siya sa kanyang paper works.
"Mom, gusto ko pong mag-aral sa Mendelight Science High School." Napatingin bigla sa akin si mommy na parang naguguluhan. Tumigil siya sa paggawa ng paper works at tumingin ng seryoso sa akin.
"Huh? Di ba sabi mo sa'kin na sa Socrates University ka mag-aaral?" Sabi niya na parang hindi niya gusto ang desisyon ko. Ang Socrates University kasi ay isang paaralan na kung saan inihahanda na ang mga anak o estudyante para sa mga busineses. Alam nyo na siguro kung bakit nagdadalawang isip pa si Mommy. Pero kahit mataas ang qualities ng school na yon, ano naman diba, kung wala siya? USELESS. WALANG INSPIRASYON.
"Kasi ma, nag-iba na ang isip ko, gusto ko na po dun mag-aral." Tumingin ako sa kanya ng seyoso para ma convince ko siya at pumayag na.
"Are you sure anak? Is that your final decision, public school yon." Alam kong nag-aalala sa akin si mama. At alam ko din na kung doon ako papasok sa Socrates University, mas malaki at mas marami ang opportunities na makuha ko. Pero sabi ko naman kanina paano kung wala siya sa pagpasok ko sa paaralan na yun? Paano kung hindi ko makikita sa canteen mn lang ang maamo niyang mukha? Edi wala rin diba?
"Opo. Sigurado na po ako mommy."
"Okay, kung yan ang gusto mo." Ngumiti sa'kin si mommy ng napakatamis. Sabi sa'kin ni pops isa ang smile ni mommy sa mga dahilan kung bakit nahulog sya dito. Ang galing no? Mahal na mahal parin nila ang isat-isa kahit ilang taon na silang kasal. Kaya idol ko si pops eh. Hahaha! Nirerespeto niya talaga ang mga babae, kaya sila nagtagal ni mommy. Sana ganyan din kami ng mapapangasawa ko.
Pops ang tawag ko kay daddy dahil yan ang gusto niyang tawag ko sa kanya. Parang barkada lang kami ni pops. Siya ang kinakausap ko pag may problema ako. Pero si mommy naman ang kinakausap ko kapag lovelife na ang pinag-uusapan. Sa kanya ako nagpapa-advice dahil she's a girl. She is. Every girl is worth to be love and to respect.
"Yes! I love you mommy! Thank you." Sabi ko sabay hug.
"Anything for you anak. So, anong gagawin mo this day?" Curios si mommy ah? Hahaha joke lang.
"That mommy, Uhm, lalabas lang po ako kasama si Tracey? Mamasyal lang po? *insert gwapito smile*
"Ha! Saan naman kayo mamamasyal? Ikaw ha pinagapalit mo na mommy mo." Si mommy naman.
"Mommy naman, huwag ka nang magtampo. Diyan lang kami sa park. Atsaka mommy kahit mahal ko siya, mahal ko din po kayo. Hinding-hindi iyon magbabago"
"Hmp. Ikaw talaga, mana sa ama. Ses, anak hindi ka naman ganyan noon. *chuckles* Oh siya, mamasyal na kayo. Mag-iingat ha!"
"Okay. Love you mom." Kiniss ko si mommy sa cheeks at umalis na. Hindi naman ganyan ka strict si Mommy sa gala-gala lalong-lalo na kung si Tracey ang kasama ko. Alam niya naman kasing ano um aist bastaa yan na. Hahaha At sa sinabi ni mama kanina, oo hindi ako ganito ka sweet noon, nahihiya kasi akong magexpress kung paano ako nagpapahalaga sa isang tao pero iyon ay nagbago simula nung nakilala ko si Tracey.
*
Tracey's POv
"Tracey anak, nandito si Spark. Mamasyal daw kayo!" Sigaw ni mama na parang galing sa sala. Nanood na naman siguro yon ng Masterchef hahaha. Ganyan si mama pag walang ginagawa. Para daw may malaman siyang bagong recipes.
"Opo! Magbibihis lang po." Nag-bihis na agad ako. Sinuot ko yon favorite t-shirt ko na may naka sulat na "Haters gonna hate" thats why i love this shirt, and shorts. Bumaba na ako at nag paalam na kay mama.
"Ma, mamasyal lang kami sa park."
"Okay anak, balik agad ha." Tumingin siya saglit sa amin at binalik na agad ang atensyon sa kanyang pinapanuod.
"Opo ma. Punta na po kami."
Hinila ko na agad si Spark papuntang labas. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dun sa park. Siguro maglalakad-lakad lang talaga. Pero boring naman kung yon lang ang gagawin namin.
Dumating kami sa spark in no time. Hinila ako ni Spark sa may nagpaparenta ng mga bisekleta.
"Magbi-bike tayo?" Tanong ko sa kanya.
"Eh, ano pa nga ba?" Nag rent siya ng dalawang bike at nag-umpisa na kaming mag-libot sa park. Malaki ang park dito sa amin. Habang nagbi-bike kami ni Spark, may nakikita kaming nagsasayaw, naglalaro, namamasyal, at iba pa. Refreshing rin ang hangin dito sa park kaya madalas kami dito ni Spark.
Pero nagtataka lang talaga ako eh, hindi ganito ka cheesy si Spark. oo, alam ng mga parents namin to pero, hindi eh mahiyain talaga si Spark pagdating sa mga ganitong bagay. Arghh-
"Twix, pumayag si Mommy" Straight lang ang tingin ni Spark pero okay na rin na makita ko ang kaniyang ngiti.
"Ses. Pumayag saan?"
"Twix naman eh, sabi ko naman sayo na susundan kita. Promise ko yan. Forever and Always" Ngayon tumingin siya saglit sa akin at tinuon agad ang tingin sa daan.
30 mins. din kaming nagride ng bicycle, masaya rin naman kasi kahit ano nalang pinag-usapan namin ni Spark, may part sa school hanggang sa napadpad kami sa tiyan ni Pooh at sa pagkalakwatsera ni Dora. Ewan ko kung bakit napunta doon basta yon na yon. Hahahaha
"Gotcha"
"Ayy palaka ka Spark, humandaaaa kaaaaaaaaaaaaa!"

BINABASA MO ANG
Forever and Always (Taglish)
Ficção AdolescenteLife is unfair. Life is not based on fiction. Life is cruel, and so is LOVE... LOVE can bring out the worst and best in you, yan ang sabi nila. LIFE and LOVE have its ups and downs, but during that downs, paano kung magsawa na siya? Paano kung ayaw...