FA 8

44 4 0
                                    

Tracey's POV

I still can't believe na magka-klase and take note, magkaibigan si Spark at si Van Jack. Bakit naman kasi si Spark pa? Eh ang dami namang tao dito sa school.

Kung nagtatanong kayo, hindi parin kami nagpapasinan ni Spark. Oo, nakikita ko siya. sometimes pero ni tingnan lang man niya ako hindi niya nagawa. Ano ba kasi nangyari bakit hindi na kami nagpipinansinan? Aishh...

"Tracey, ano? Binigyan ka na naman ba ng letter ng secret admirer mo? Ayieee, kinikilig ako sa inyo kahit hindi ko siya kilala. Hihihiihi" Kc

"Huh, uhmm tingnan ko."

Tiningnan ko nga kung merong letter na naman sa locker ko galing sa "secret admirer" ko daw nga. Naguguluhan ba kayo? Eh kasi ganito yun, since last week, binibigyan na ako ng letter, from secret admirer ko daw. Ang laman? Mga lines sa iba't- ibang poem na napaka-kilig at minsan love qoutes. Wala parin akong idea kung sino siya. Sana naman kung magbigay siya ulit ng letter ay may clue na hahaha.

"Kc, meron nga." Binuksan ko yung envelope.

"Ayiiee, anong sabi?" Grabe ha, ako yung binigyan ng letter siya tong kilig na kilig.

"Oo na, eto na."

____

"You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams."-Dr. Seuss

Kaya pala hindi na ako nakakatulog ng maayos, dahil ito SAYO. ;-)

-Secret Admirer

____

"Ayiee, ang sweet niya talaga. OMG, sana may secret admirer talaga akong ganyan ka sweet.. Ayieee"

*RING RING RING

"Hahahaha, talaga lang ha. Eh pano kung cereal killer pala yung may gusto sayo? Sabi pa naman nila, be careful what you wish for. You just might get it."

"Grabe Tracey ha. Tara na nga!"

Hindi parin nawala sa isip ko yung kanina. Eh kasi naman nakakagulo. Sino naman ang magkakagusto sa akin? Ganyan na ba talaga ako kaganda? Hahaha, joke lang po. Pangit po ako. Maraming pimples. Kulubot- kulubot ang mukha. Parang lola. Maraming freckles. Hahahaha, grabe kung maka-lait sa sarili.

Hayy, hayaan na nga. Ang sabi nga nila, "Walang sekretong hindi mabubunyag." Kaya wait lang tayo. Makikilala rin natin siya.

"Huy Tracey, tara na. Punta na tayong canteen. Gutom na ako." Kc

"Huh? Ahh, okay."

Hindi ko namalayan lunch na pala. Baka makita ko na naman yong asungot na yon. Pati si Spark.

Nag-order na agad kami ng pagkain namin, umupo at nagusap-usap ng kung anu-ano na lang. Trip namin eh.

"Hahahaha eto sagutin niyo ha. Kapag naliligo tayo, ano dapat ang unang babasain? Common sense ito guys ha." Kc

"Uhmm ulo?"

"Paa?"

"Kamay?"

Umiling-iling lang si Kc. Ang hirap ng tanong niya urgh. Nag-guess pa kami ng kung ano-anong mga pwedeng basain pero wala eh mali parin.

"Ang unanh binabasa kapag naliligo ka? Edi yong tuyo."

Napatigil kami sa pagsasalita ng may sumulpot na tao sa table namin. Wow ha nagsasalita siya, LOL. Kung na gets niyo ako, edi apir tayo diyan. Hahahahaha!

"Tama!" Malakas na sigaw ni Kc.

"Weh?"

"Nagbibiro ka ba huh?"

"Yun lang pala yun?"

"Hahahaha sabi ko nga diba common sense." Tumayo pa siya at parang nanglelecture.

"Ehem."

"Ay oo nga pala may tao." Umupo ulit si Kc pero parang sa ginawa niyang iyon ay nangiinis.

"Oo nga eh kaya pala biglang gininaw ako kasi ang hangin." Yinakap ko ang sarili ko at nagthreat glance kay Kc.

"Anong kailangan mo?" Pa-irap kong sabi.

"Gusto ko sanang maka-usap ka." Wow ha ang kapal matapos na akong ganonin?

"Tungkol saan?"

"Basta."

"Ok, magsalita ka na."

"Uhm, dapat tayong dalawa lang?"

"Nakakainis, nakakatamad tumayo eh. Tss, ano bang kailangan mo?" Humarap ako sa kanya kasi nasa likuran ko siya naka tayo habang ako ay nakaupo. At nasa harapan ko naman si Kc.

"Tara" hinila niya ako bigla kaya ayun muntikan na naman akong nasubsob sa lupa. Ay nako. Nabwebwesit na talaga ako sa lalaking to.

"Ano nga?!" sumigaw ako sa kanya matapos nya akong kaladkarin papuntang room namin. Wala naman kasing tao dito kasi lunch time.

"Uhm ano kasi uhmmm."

"Ano ba yon ha? Puros uhmm ka na lang diyan." Naiinis na talaga ako. Parang pagdating sa lalaking ito napupuno ako. Yung feeling na lahat ng dugo mo oumunta sa ulo mo. Kainis eh.

"Pwe- pwede bang man-manligaw?"

"Whut? Shunga ka ba?" Tinulak ko agad siya.

"Wow ha. Lakas makatulak." pinagpagan niya yung tshirt niya kung saan ako humawak. Feeling!

"Ano bang nakain mo ha, lalaki ka?!"

"Pagkain. Ano pa nga ba?" Tumawa siya na parang walang nangyari.

"Baliw ka? kaibigan mo si Spark tapos-"

"Tapos?!" sinampal niya ang lamesa na nasa right side niya. Strong naman nito...

"Tapos?! bakit ba?!"

"Potek naman oh. Di mo g?!" yun nagsisigawan na kami dito sa classroom.

"Anoo kasi..." Letche. Sasabihin ko ba? naku naman oy. Ponyets naman oh.

Umupo si Jack sa upuan sa may dulo kung saan nandoon ang pintuan at tumungo.

"Kasi gusto mo siya"

Biglang huminto ang puso ko sa sinabi niya. Bakit alam niya? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Ba't ganito?

Humarap siya sa akin at tumingin sa mga mata ko.

"Please?"

Forever and Always (Taglish)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon