Part 1 "Hi I'm Chris"

14 0 0
                                    

New Taming the GOM gang

PROLOGUE
Hi mga katropa napakahabang panahon ng napatigil sa pag-susulat ng story. Hope na magustuhan niyo itong revise story na ito. Ito yung Taming the Gom gang but nabago na ang ilang name nila. Dahil sa mga nakita ko sa aking ilang taon karanasan simula noong inumpisahan ko yong unang story. But sabi ko nga revise na ito or pwedeng new story na. Magustuhan niyo sana. Si Chris pa din bida dito. Oh eto na mag uumpisa na ako. aja!!!! Fighting!!!

Chris' PoV

Naman! Late na ako sa 1st class ko sa unang araw ng pasukan sa huling taon ko sa high school.  Bagong lipat lang kasi namin dito sa lugar na ito. Saan ba itong room na to. Kainis! Ayon may babae matanong nga.

"Miss" - kulbit

"Ay palaka!" - nagulat patay ka Chris!

"Sorry miss. Ahm pwede magtanong?" Ako

"Ow? Okay" biglang nag iba ang
tingin niya naging interesado

"Saan itong room na ito?" Sabay turo ko doon sa papel na hawak ko.

"Ah yaan ba ayan lang diretso ka sa hall na yan then kumaliwa ka". Siya turo doon

" Salamat miss" Ako sabay wave at takbo kasi nga late na ako.

Saan na ba kasi yon. Room 103 Room 103. Pag-tingin ko sa kaliwa. Hay sa wakas eto na.Then pag pasok ko BOGSH!!!!!!!!!!!
nakaramdam ako ng medyo masakit sa ulo ko. Tiningnan ko dugo? Then nakinig ko na lang sa loob ng room nagbubulungan then ang gulo gulo ng room.

"Patay ka pre!" Bulong ng isa

"Yaan yung new student.Lagot ka na naman" sabi naman nung isa.

Ako naman hindi ko na pinansin lumabas ako at hinanap ang clinic.Sh!t matinding hanapan na naman ito. Nakita ko ulit yung babae. Kaso nag bell na akmang paalis na siya doon sa may bulletin board. Nilapitan ko ulit siya.

"Miss pwedeng ulit magtanong?" - ako habang hawak ko yung ulo ko

" Ikaw na naman. Sige ano ba yon?" - halatang medyo irita na

" Saan yung clinic. Pasensya na ha bago lang ako dito"- ako na may paawa  effect

" Ow? Kaya pala. Sige ituturo ko sayo tutal doon din naman ang punta ko.Sama ka sakin" - aya nya sumunod lang ako.

Eto nasa harapan na kami ng clinic kumatok siya. Bumungad ang isang babaeng nasa 40's na  naka suot ng nurse uniform

"Oh  Bea napadalaw ka at sino yang kasama mo boyfriend mo?" Usisa noong nurse

Bea pala ang name niya.
Sumagot si Bea

" Ay hindi ko po yan boyfriend talaga kayo palabiro! Nagpasama lamang po siya new student po." Sumbat niya

Sabay baling sakin nung nurse

" Ano matutulong ko sayo Iho?" Bulalas niya

" Ah eh eto po kasi" pinakita ko yung sa ulo ko na may dugo

"Aba!teka akin na yan baka ma impeksyon yan! Naapano ba yan!" dali daling kumuha ng first aid yung nurse.

" May tumama lang po kanina pag pasok sa loob ng room." Matipid kong sagot

Nilagyan niya ng bandage yung ulo ko medyo nawala na ung dugo pero masakit padin.

"Oh ayan ayos na. Mag iingat ka na sa susunod ha?" Sabi ng nurse.

" Opo" sagot ko.

" Alis na po. Salamat po" napatingin ako doon sa babae medyo confuse ba yung itsura niya.

Taming The GOM Gang (Chris Armada)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon