CHRIS POV
"Chris dito ako nakatira. Halika siguro andito na ang papa ko " - Bea.
" Ha?"- Ako
" Dali na mas maige na maipakilala kita sa kanila. Huwag ka mag alala supportive sila."- Bea
" Okay. Okay "- Ako.
Sumunod na lang ako sa kanya paakyat ng hagdan sa tabi nung isang bahay. Buti na lang nag ayos kami bago kami pumunta dito. Kasi hindi ko alam na ipakikilala niya ako agad. Nasa pintuan na siya ng bahay at kumatok siya. Binuksan nung isang batang lalaki na nasa edad 5 or 6 na ata ito.
"Oh nasaan sila papa?" - tanong ni Bea.
"Nasa loob. Sino yang kasama mo Ate" - Yung bata.
"Basta, sabihin mo may kasama ako ha?" - Bea.
Tumakbo yung bata at sumigaw.
"Pa! Pa! May kasama si ate." - Yung bata.
"Bea patuluyin mo na yang kasama mo." - Papa ni Bea.
Pumasok na kami ni Bea sa bahay nila tinggal ko sempre ang sapatos ko. Tapos pag pasok ko nakita ko may isang kwarto na nakahiga yung isang babae. Baka ito yung mama niya. Hindi naman niya ako nakita kasi nakatalikod siya. Dumiretso lang kami ni Bea sa kusina. Nakita namin yung papa niya na nag puputol ng mga beans. Iluluto ata. Nagsalita aki kasi nakatungo ito . Eh
"Magandang gabi po" - Ako
"Oh? Iho " - Papa niya (Kita ko ang pagkagulat niya.)
"Chris Armada po pala" - pakilala ko nakipagkamay ako sa kanya ganon din naman siya.
Si Bea naman nakangiti lang habang nakatingin sa kanya yung papa niya.
"Palit po muna ako ng damit pa. Maya po ako mageexplain."- Bea.
Pumasok si Bea sa kwarto niya. Ako naman nakaupo lang sa sala nila. Pero pumunta ako sa papa niya sa kusina upang tulungan sa ginagawa niya. Nakita ko nag puputol padin siya nung mga beans.
"Tulungan ko na po kayo dyan." - Ako
"Naku iho. Huwag na magkakadumi pa yang kamay mo." - Papa ni Bea.
" Okay lang po sanay po ako sa ganito di lang halata. Lagi ko pong tinulungan ang mama ko sa ganitong gawain. Kaya tulungan ko na po kayo."- Ako
Pumayag naman siya kaya tinulungan ko. Ilang saglit eh lumabas na si Bea.
" Wow naman ang sweet niyo" - Bea.
"Naku kang babaita ka!" - Papa niya.
"Opo Pa, mag eexplain na po ako. Katunayan po eh ayaw ko po mag lihim kaya dinala ko po sya dito. Hindi ko po siya boyfriend Pa. Manliligaw pa lang po. Gusto ko lang pong maging tapat sa inyo ni mama. "- Bea
" Ay ganon ba nak? Pero alam mo naman ang buhay natin kaya sana ha! Huwag niyo mamadaliin ang mga bagay bagay."- Papa niya
" Ah opo promise po. Hindi ko po mamadaliin ang mga bagay bagay. Alam ko po tinutukoy niyo. Nakwento na din po sakin ni Bea ang sitwasyon niyo po. Alam na po namin ang tamang gawain at mali. Pumapayag po ba kayo? "- Ako na sobrang kinakabahan sa sinabi ko.
" Hmm total ayaw kong pigilan ang kasiyahan ng anak ko? Tsaka siguruhin mong mapapasaya at hindi makakasira sa pag aaral ha? Kung mag ganun nako! Tututulan ko ito. Pero sa ngayon sige payag ako bago yun sa mama mo magsabi din kayo."- Papa niya
Ang saya naman ng pamilya na to. Napangiti ako nung sinabi ng papa niya iyon. Hindi ko akalain ang nasa isip ko tatakutin o bubugbugin haha. Basta ganon.
BINABASA MO ANG
Taming The GOM Gang (Chris Armada)
ActieA boy from Japan transfer in new school in the Philippines. He meets the GOM gang and a girl . Then that is the start of their journey in gang world.