Coco -_- -Chapter 6

147 6 0
                                    

-

"To all students please proceed to assembly area now."

Thanks Friday again, last day of school days. Sana naman walang practice bukas para sa Filipino namin. Nandito na ako sa school ngayon pero wala pa si Lindsey, baka malate nanaman yun. Mejo malayo kasi bahay nila dito sa school, buti nalang samin at malapit lang.

Bababa na sana ako papuntang assembly nung dumating si Alexa.

"Annika hintayin mo na ako."

Nagmamadali niyang binaba yung bag niya sa room sabay pumunta sakin.

"Muntikan ka ng malate, saang lupalop ka ba galing?" tanong ko sakanya tapos sabay kaming tumawa. Hinihingal kasi siya dahil siguro sa pagtakbo niya.

"Hahaha. Baliw! Lupalop talaga te?"

Nakakatuwa si Alexa kapag hinihingal na nagsasalita. Haha :) Para siyang joke.

Nandito na kami ngayon sa assembly area, maliit ako kaya lagi akong nasa harapan. -_- Wala pa kasi si Lindsey ee! Siya kasama ko sa likuran para kunyari matangkad ako. Pumunta parin ako sa bandang likuran kasi nandun naman si Alexa.

Nung pagkalapit ko kay Alexa may kausap siya, si Mina Rexo. Kaklase din namin na maganda, matangkad, sexy, mabait, sporty. Haay nakakaiinggit nga ee.

"Psst. Ano yan? Bakit kayo kinikilig?" tanong ko sakanila.

"Si Mina lang kinikilig no! hindi ako. May crush daw siya sa room."

Sagot naman sakin ni Alexa, oh well. Kung sino man siguro yung boy na yun imposible namang di niya magustuhan si Mina.

"Coco.. Coco.  COCO <3"

Natawa nalang ako nung biglang binanggit ni Mina yun ng paulit ulit habang kinikilig. Napakadaming pwedeng pen name na pantawag sa crush, bakit Coco? Ang corny naman ni Mina -_-

Nung natapos na yung assembly pumunta narin kami agad sa room. As usual katabi ko nanaman sila Gervis at Alexa.

1st Period

Chemistry na namin, nagpalit muna ng upuan si Gervis tsaka si Alexa kaya katabi ko na ngayon si Alexa. Nagpapasulat lang si Maam sa ngayon kaya pwede kaming magdaldalan ni Alexa. Naalala ko bigla yung sinabi ni Mina na Coco, nacucurious ako kung sino yun kaya tinanong ko.

"Baka kasi magalit siya Annika. Wag na." Ang imot imot naman, hindi ako titigil hanggat di ko nalalaman.

"Sige na kasiiii, sino na?"

tanong ko naman ulit. Syempre makulit ako ee! Haha :)

"Wag naaa. Kulit."

Tss. Kainis naman ee.

"Sigeeee naaaa. Please? Sino ba kasi yung Coco na yun?"
-

"Oo na. Sasabihin ko na, basta secret lang?"

Sabi naman ni Alexa siguro nakulitan na kasi. :D

"Oo, sige na. Sino na? Sino na?"

Nilapit niya yung muka niya sa tenga ko sabay binulong niya..

"Si Enrico"

Whaaat the! He's mine :'( Why him Mina? :( Natahimik nalang ako nung pagkasabi ni Alexa na si Enrico pala. Nalulungkot ako kasi napakalayo naman ng agwat namin ni Mina. Si Mina sporty ako hindi, Si Mina matangkad ako hindi, Si Mina maganda ako cute lang, si Mina Maputi, eh ako? Hindi. :( Haaay. Pabayaan na nga natin yun.

Ain't enoughWhere stories live. Discover now