Enrico's Entry- Chapter 8

114 7 0
                                    


Enrico's POV

FLASHBACK

Pasukan nanaman nakakainis. Papunta na ako ng school kasama ko si Dex at si Gervis. Sumakay na kami sa kotse ni Dex kasimale-late na kami, pagkadating namin sa school sumalubong samin yung napakalaking UNIVERSITY OF EYLYA. Tss -_- STUDIES SUCKS.

Bumaba na kami para hanapin kung nasan yung mga third year. Ilang saglit lang din nahanap na namin, nasa court na kami ngayon. Katulad ng dati may mga babae paring mamamatay na sa kilig pag nakikita kami. Seriously talking, totoo yun dahil siguro magaling kami magdota.

Napaghiwa- hiwalay na ngayon yung mga estudyante. Kaklase ko parin mga kabarkada ko, sure ko na maingay nanaman ang klase lagi dahil samin. Loko loko kaming magbabarkada at napakahilig namin sa DOTA lalo na ako. Enrico Onyx Valderama, ako ang leader ng grupo. Ako daw kasi ang pinakamagaling sabi nila. Ewan ko ba :/

Suplado ako at ako pinakatahimik saaming magbabarkada. Ayaw ko ng madrama at minsan napagkakamalan akong bakla dahil sa kilos ko. Wala silang pakealam, Edi kahit idaan nalang namin sa DOTA. Hindi ako mahilig makipag away. Kaya ibahin niyo ako sa lahat ng lalaking nakikilala niyo.

Wala rin akong pakealam sa mga babae, malimit lang din ako kumausap ng babae kasi pag may itatanong lang ako.

"Enrico pasok na tayo sa room!" yaya ni Dex, siya yung pinaka kasundo ko sa lahat. Parehas kami ng mga gusto kaya nagkakasundo kami. Pumasok na kami sa room at halos kasabay lang naming dumating yung adviser namin. Nandito kami sa likuran ngayon kaya kita namin lahat ng nasa harapan. Unang-una palang may napansin na akong babae na may gusto sakin masyado siyang pahalata. Ayaw ko sa mga ganun na babae. Nakakairita :[

Napatititig ako bigla sa babaeng nasa likuran nung babaeng nakakairita...

Oo nakakagulat kung iisipin mo na tumitig ako sa babae pero hindi ko rin alam kung bakit. Nakikita ko siya kaso side view kasi kinakausap niya yung katabi niya. Mukang makulit siya at masiyahin, nakakatuwa siyang tignan. Ewan ko kung bakit pero parang nahahawa ako sa pag ngiti niya.

"Lusaw na Tol." sabi sakin ni Dex, hindi ko rin alam kung bakit ako napatitig sa babaeng yun.

"Anong sinasabi mo?" alam kong alam ni Dex na tinitignan ko yung babae pero kailangan ko paring magkunwari. Inilipat ko agad yung atensyon ko sa teacher naming nagsasalita sa harapan. Sisimulan na daw magpakilala -_- Kadaming alam. Wala naman akong pakealam sa mga magpapakilala na yan kaya hindi ako nakikinig, nakayuko lang ako.

"Oy, yan na yung tinititigan mo." sabi sakin ni Dex sabay tabig niya sa braso ko. Kilala talaga ako nito ang hirap magtago. Tinignan ko yung babae habang nagpapakilala siya.

"Hi. I'm Annika Mortier, 14 years old. I'll be expecting you to be nice and friendly."

Annika? Parang pangalan ng manika. Para siyang manika, ang tangos ng ilong, ang amo ng mata, ang haba ng buhok bumagay sa pisngi niya na namumula. In short CUTE.  Hindi siya maputi pero namumula yung pisngi niya kaninang nagsasalita siya. Muka siyang matalino sa pananalita niya. Matalino nga siguro. Maliit ata siya, sa pagkakatingin ko baka hanggang tuhod ko lang siya. Hahaha :D Hindi pala, baka hanggang balikat ko.

Ngumiti siya bago siya pumunta sa sa kinauupuan niya. Nakakatuwang isipin na maging interesado ako sa isang babae kaya ipinagsawalang bahala ko na muna yun at nakinig muna ako sa mga nagpapakilala.

"Hi classmates, Im Rioxy Marie Taleda and you can call me Rioxy. Im friendly and lovable." Ito yung babaeng nakakairita kanina pa. Alam ko yung mga tipong babae na ganito. Seductive pero di naman nakakaakit, ang sagwa! Tsk >,<

Ain't enoughWo Geschichten leben. Entdecke jetzt