Tampo - Chapter 10

66 4 0
                                    

-

Linggo ngayon 8 a.m ako nagising kasi magsisimba kami ng pamilya ko. 11 a.m ang pagsisimba namin. Naligo na ako para makapaghanda na, sigurado akong matatagalan nanaman sa pagkilos yung mga kapatid ko pati sila Mommy. Oo hindi mo iisipin na yung DOTA boy na katulad ko loyal pala sa simbahan. Ganun naman talaga ang mga tao, akala alam lahat ng ugali ng mga nakikita nila. Sabi nila masasamang lalaki ang naglalaro ng DOTA at ang alam ng karamihan ay puro mura ang lumalabas sa bunganga ng katulad kong mahilig maglaro ng DOTA. Oo siguro karamihan talaga mga loko loko, kaya hindi ko naman masisisi yung mga tao kung maging ganun ang tingin nila, pero hindi naman lahat lahat ng naglalaro ng DOTA pare-pareho.

Pagkatapos ko maligo at magpalit tinignan ko yung cell phone ko. 10:43 a.m. na pero wala paring text si Annika, dati 6 a.m palang nagtetext na siya. Hindi ako mahilig na maunang mag message kasi hindi ko naman alam yung sasabihin ko. Gaya nga ng sabi ko tsaka lang ako papansin ng babae kapag may itatanong ako.

Ang bilis kong mamiss yung kakulitan ni Annika sa pagtetext. Ang saya saya niyang kausap sa text, wala siyang katulad na babae.

Kaninang pagkagising ko tinignan ko na agad kung nagtext siya pero wala. Hanggang ngayon wala parin, wala kaya siyang load?

"Kuya tara na daw. Nasa labas na sila Mommy." tawag sakin nung bunso namin. Siya ang kasundo ko, lagi kaming magkaaway ng babae kong kapatid. Hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay.

Ibinulsa ko na yung cell phone ko at agad akong pumunta sa labas. Hindi naman kalayuan yung simbahan namin sa bahay kaya madali lang din kaming nakarating. Pagkadating namin sa simbahan tinawag ako agad ng pinsan ko, si Claire Vince half Filipino at half American. Sa Canada nakatira yung Daddy niya, nabuntis lang kasi si Tita doon kaya nandito na sila sa Pilipinas ngayon. 7 years old siya nung umuwi sila dito at siya yung pinakaclose kong pinsan sa lahat.

"Hey, ugly rela'!" (Hey ugly relative!)

Bungad sa akin ni Claire.

"Nasa Pilipinas ka, baka gusto mong iuntog kita sa muscle ko." Sabi ko naman ng nakakaloko.

"Whatever!" Mejo maarte at masungit siya pero mabait kapag nakasama mo na ng matagal. Pumasok na kami sa simbahan kasi nandoon na sila Mommy pero bago ako pumasok tinignan ko muna yung cell phone ko para icheck kung nagtext naba si Annika. Nagtataka ako kung bakit hindi parin siya nagtetext hanggang ngayon, nagtatampo kaya siya? Isang beses palang siya nagtampo sa akin noon sabi niya at hindi ko rin alam kung anong nagawa ko kasi hindi niya naman sinabi pero sa pagkakaalam ko...

FLASHBACK

Sabado- DOTA time

8:30 a.m

Kasama ko ngayon sila Dex, Gervis, Dave, at si Anthony. Lalaban kami ng tournament hindi na kami nababahala sa mga ganito. Sanay na kami na bumabali sa tournament at madalas kaming manalo. Alam niyo na malakas AKO :D, malalakas kami.

After 9 hours.

Tinignan ko yung cell phone ko kasi kanina pa nagva-vibrate nung naglalaro kami.

Nagulat ako nung bigla kong nakita

7 message received.
From: Annika

1 missed call
From: Annika

Mabilis kong binuksan yung message box para tignan ng sunod- sunod yung text.

Annika

Hi :)

Annika

Hi Enrico :)

Annika

Enrico anong ginagawa mo, busy kaba?

Annika

Oy Enrico?

Annika

Sobrang busy ka ata.

Annika

Wala ka bang load?

Annika

Bye na muna Enrico, may pupuntahan kami ni Lindsey.

Ang dami niya na palang text. Hindi pa ako nakatext sakanya kaninang umaga kasi nagmamadali akong pumunta kila Dave. Tapos naglaro naman kami 9 a.m - 12 p.m, kumain naman kami sa Mcdo pagkatapos ng laro namin tapos diretso din kami agad sa tournament after lunch.

Katatapos lang ng tournament, nagtext agad ako sakanya.

Enrico

Annika kakatapos ng laro namin, kasama ko sila Dex. Bakit?

Naisend naman agad at nagreply din siya ilang minuto lang.

Annika

Ahh. Wala :) nakita namin kayo ni Lindsey kanina sa Mcdo. Kakain din sana kami kaso hindi na kami tumuloy kasi madami kang kasama tsaka mukang busy kayo.

Enrico

Ay. Di namin kayo napansin

Annika

Pabayaan mo na :) namiss kita, iloveyou :)

Nagulat ako sa text niya. Hindi ko alam sasabihin ko, hindi ako nagsasabi ng ganyan sa kahit na kanina ay kahit na sa pamilya ko.

Enrico

Haha :D Sige.

Hindi ko alam sasabihin ko kaya yan nalang ang itinext ko. Pagkatapos nun hindi na siya nagreply.

Back to present

Nagtatampo kaya siya dahil dun sa Iloveyou na hindi ko nirereplyan ng iloveyoutoo? Last na hindi siya nagtext sa akin mga isang linggo pagkatapos nung pag tetexsan namin pagkatapos ng tournament. Tapos ngayon naman tapos na kami magsimba, tapos na kami mamasyal ng pamilya ko, tapos na kami maglaro ng kapatid ko ng computer at tapos na akong manuod ng palabas sa TV pero wala parin siyang text. Nung isang gabi kasi nagtext din siya saakin ng Iloveyou pero hindi ko sinagot, yun kaya yung dahilan?

Baka hindi nanaman siya magtext ng ilang araw. Hindi na kumpleto araw ko kapag wala yung kakulitan niya.

Ain't enoughWhere stories live. Discover now