Shit Day - Chapter 11

57 1 0
                                    


MONDAY

Maaga akong nagising para icheck kung nagtext na si Annika. Actually I'm not doing this. I thought it was a dumbass' thing before.

Madilim palang 4:30 a.m kaya dahan- dahan kong dinilat yung mata ko na nasilawan ng ilaw mula sa screen ng cell phone ko. Pagkatingin ko....

Wala parin namang text, hindi kami nagkakausap ng personal kaya hindi ko rin maitatanong kung bakit siya hindi nakakatext.

Inilapag ko nalang ulit yung cell phone ko sa tabi ko sabay pumikit ako. Sa totoo lang hindi na ako inaantok kasi nagising na ako sa liwanag ng screen ng phone ko pero ipinikit ko parin yung mata ko habang iniisip si Annika. Nakakalungkot na hindi ko na siya nakakatext. Wala pa akong lakas ng loob na mag- PM( PRIVATE MESSAGE) sakanya. Hindi talaga ako pumapansin ng babae kapag wala akong itatanong.

"Gusto kita Enrico." bulong ni Annika sa akin.

"Gusto din kita Annika, masaya akong naging kaklase kita. Masaya akong nalaman kong may gusto ka rin sakin. Akala ko hindi ako yung tipo mo." sagot ko sakanya ng tuloy- tuloy.

Tinignan niya ako ng malapitan at napapatulala nalang ako sa kagandahan niya. Malapitan ko ng nakikita ngayon yung mala- manika niyang muka, ang amo ng mata niya at napakatangos ng ilong niya. Hindi ko maikakailang ito ang pinapangarap ng karamihan ng lalaking tulad ko. Hindi ko siya nagustuhan sa muka nung una, yung kakulitan niya ang nakapagpakuha ng atensiyon ko. At sa ngayon mas nagkakaroon pa ako ng rason na magustuhan siya lalo dahil napakasweet niya at napakaganda pa.

"Iloveyou Enrico." sabi niya ulit sa akin habang tinititigan ko siya. Hindi kaagad ako nakapagsalita kaya inulit niya ng inulit.

"Iloveyou Enrico, Iloveyou Enrico, Iloveyou Enrico" Makulit niyang pagkasabi sa akin. Gusto kong ngumiti sa sobrang kacute-an niya.

"Iloove---"

"Kuya, kuya! Gising na. Uyyyy! GISING! 6:30 na."

Sasagot palang sana ako ng iloveyoutoo kay Annika nung bigla akong nagising at nalamang nananaginip lang pala ako.

"What the!" Nakakainis panaginip lang pala akala ko totoo na. Ginulo ko yung buhok ko at binilisan ko nalang na tumayo mula sa kama ko. Ito palang ang unang beses na nakapanaginip ako ng babae, alam kong hindi kapani- paniwala pero totoo. Pumunta ako sa C.R para makaligo na, siguradong late ako ngayon. -_-

Pagkapasok ko sa C.R humarap agad ako sa salamin para tignan yung muka ko. Ngumiti ako habang tinitignan yung sarili ko.

"Oh! Crap." hindi ko talaga bagay ngumiti. Oo kaya ako laging poker at seryoso kasi ayaw kong nakikita nila akong ngumiti. Kung tatawa ako ok pa, pero kung ngingiti wag nalang.

Natigilan nanaman ako nung biglang pumasok sa isip ko si Annika, bakit kaya siya hindi nagtetext?

"Tss. What's in you Annika?" Tanong ko nanaman sa sarili ko sabay ng paggulo sa buhok ko.

Naligo na ako at mabilisang nagbihis at nag ayos. Pagkatapos kinuha ko yung bag ko at nagmadali akong lumabas para pumara ng sasakyan. Sa totoo lang ang hirap pumara ng sasakyan dito sa amin pero ang dali kong nakasakay ngayon.

Malapit na ako sa school, tinignan ko yung relo ko. 7:28 a.m na siguradong tapos na yung assembly.

Pagkadating ko sa main gate tumakbo na ako para hindi gaanong malate.

"Enrico." napalingon ako sa likod ko nung may narinig akong biglang sumigaw ng pangalan ko.

Nakita ko si Jerico na tumatakbo palapit sa akin. Kaklase rin namin siya nalate din ata tulad ko.

Ain't enoughWo Geschichten leben. Entdecke jetzt